INAMIN ng dating aktres na si Divina Valencia na sumikat nang husto noong 1960s at paminsan-minsan na lang umaarte ngayon na karamihan sa mga artista ay bipolar.
Ang huling pelikula niya ay “Moron 5.2: The Transformation” na ipinalabas noong 2014 kasama sina Luis Manzano, DJ Durano, John Lapus, Marvin Agustin, Matteo Guidicelli at Billy Crawford na idinirek ng namayapang si Wenn Deramas produced ng Viva Films.
Base sa malaman panayam ni Divina sa kilalang content creator at DZRH host na si Morly Alinio ay isa ito sa topic nila, ang mga artista may ganitong disorder.
Tanong ni Morly, “May kuwento ba kayo (sa buhay) na pinagsisihan ninyo na nangyari sa inyo sa showbiz? May mga pangyayari bang iniyakan ninyo dahil hindi ninyo kinaya?”
“Meron naman. Alam mo karamihan sa mga artista may bipolar, I won’t name-names. Ako ho bipolar,” pagtatapat ni Divina.
Tuloy ng dating sexy star, “anak kong si Drandreb (Belleza) bipolar. Iba-ibang (kaso) nga lang, ako anger, nagpapa-panic attack ako, nagagalit ako dahil ang tinatamaan ng bipolar ay mga artists, manunulat, artista, mga painter dahil extreme ang karunungan nila sa art, so, ako meron.
“Halimbawa ako sa shooting hindi ko gusto ‘yung pagkain kaagad ay itatapon ko ‘yun! Magagalit ako, mali (ako).
“Ngayon ini-interview mo ako bilang si Divina, pero pag nawala na ‘tong mga ilaw na ito, hindi na ako si Divina. Ako na si Mamang (tawag sa kanya).
“Si mamang kakain sasabihin ko, ‘ayaw ko nito. Bakit ba ang tigas ng ulo mo (nagsilbi)? Ayoko nga nito. E hindi makikinig (nagsilbi), so may tendency na itatapon ko ‘yung pagkain sa bugnot, sa inis.
Baka Bet Mo:
“Magbabasa ka ng script, ang hirap-hirap sa artista na umiyak kasi ang puhunan ng isang artista ay ang puso niya. Lahat po ng artista ang puhunan ay ang puso niya.
“Isipin ninyo iiyak kayo ng walang dahilan? Hindi ho totoo ‘yung ‘ah dadamdamin ko ang pinakamalungkot sa buhay ko doon ako iiyak’ hindi totoo ‘yun. Para sa akin hindi ho totoo ‘yun! Damdamin mo kung ano ‘yung role mo at doon mo iiyak!”
Kapag nakakatawa ang eksena ay aminado si Divina na hirap na hirap siyang gawin.
“Wala naman kasing nakakatawa. Ang artista dapat inuunawa!” payo niya sa lahat.
At dito niya nabanggit ‘yung nangyari sa International artist na kaliwa’t kanan ang awards na si Lea Salonga.
“May I say na tulad nu’ng nangyari kay Lea Salonga na ina-address ng mga fans na hindi niya alam pumunta sa room niya, e, nagpapahinga siya. At nagalit ‘yung mga fans, e, sino ka naman ‘Day? Para kang pumasok sa bahay ko ng walang paalam? E, kung may aso ako pakakagat kita!”
Nagtataka rin ang aktres kung bakit nagagalit ang mga fans sa pakiusap ni Lea na bawal silang pumasok sa dressing room niya.
“E, bakit ka magagaling, e, room niya ‘yun? ‘Yung particular time na ‘yun, e, room niya ‘yun na doon siya magpapahinga, doon siya magme-make up. E, sino kayong basta na lang papasok?
“Di ba maraming nagagalit? Hindi mga nakakaintindi ‘yun! Akala nila komo artista, e, lahat na lang ng gusto nilang gawin kurutin ka, duraan ka sa mukha ay puwede na no!
“Artista ako at pinanonood mo ako, pero sa oras na nasa kuwarto na ako, hindi (na) ako artista. Ako ay kung sino ako,”paglalarawan mabuti ni Divina.
At bilang may bipolar ay umiinom ng maintenance niya ang aktres para hindi na siya sumpungin ng sakit niya.
“Okay na ako maintenance ko ‘yun, okay na ako napakabait kop ag hindi ako sinusumpong. Pero minsan ay pipitik at pipitik ka pag hindi maganda ‘yung nangyayari sa harap mo,” pahayag niya.
Related Chika:
Hirit ni Angelica bago nalamang buntis na: Napakamaldita ko, nagiging halimaw ako…iyon na pala iyon!
Epekto kay Meryll ng bipolar disorder: Wala akong energy sa life, gustong kumain nang kumain