Kiara Takahashi umamin, love team nila ni Gino Roque scripted lang
SHOOKT ang madlang people sa naging pasabog ng dating “Pinoy Big Brother” housemate na si Kiara Takahashi ukol sa tambalan nila ng kapwa ex-housemate na si Gino Roque IV.
Sa kanyang TikTok live nitong Huwebes, July 24, isiniwalat niya na “scripted” lang ang tambalan nila ng binata na nakilala bilang “KiaNo”.
Dito nga ay inilahad ni Kiara kung paano raw pinlano ni Gino kung paano magbu-boom ang kanilang love team at paano pakikiligin ang mga fans na sumuporta sa kanilang dalawa noong nasa loob pa sila ng Bahay Ni Kuya.
Aniya, tila naging “negosyo” ang kanilang samahan dahil lahat raw ng galaw at kilos niya ay dapat naaayon sa plano ng binata.
Hindi nga raw inaakala ni Kiara na magbabago ang lahat sa pagitan nila sa paglabas nila ng PBB house.
“Actually, ever since I got out of the house, the real date was that date doon sa restaurant sa tapat ng ABS-CBN.
“Pagpunta ko dun, sobrang daming camera, ang sabi may dinner date daw, magde-date daw kami. In short, sobrang scripted,” pagbabahagi ni Kiara.
May isang room daw sa restaurant na glaas ang wall kung saan nakikita sila.
Baka Bet Mo: Rendon Labador binanatang muli si Vice Ganda: Kung may natitira pa sa’yong utak, umayos ka
View this post on Instagram
“I felt like I was in an aquarium, para akong hayop na pinagpipiyestahan ng mga tao. Pero sabi ko, ‘Baka ito yung tama, kasi ito yung for the showbiz,” dagdag pa ni Kiara.
Aniya, noon pa lang raw ay may kakaibang feeling na siya rito at uncomfortable na siya makipag-date kay Gino lalo’t may mga camera na nakasunod sa kanila.
“After that dinner, we went home, and that was the first time when we fought. Hinatid niya ako sa condo ko, tapos nag-away kami.
“I was crying to him and I was telling him, ‘You know what I really felt uncomfortable, how you did that because you asked me on a date and hindi ko in-expect na all throughout the date there was a camera na nakatuktok sa atin’,” lahad ni Kiara.
Ngunit sey raw ni Gino, ginagawa raw niya ito para sa mga fans na sumusuporta sa kanila.
Maging sa mga mall shows raw nila ay dinidiktahan rin siya ng binata sa kung paano kikilos para mas “kiligin” ang mga tao sa kanilang dalawa.
Ngunit kahit raw sa mga private places at sa mga pagkakataon na sila lang dalawa ay idinidikta pa rin ni Gino ang kanyang dapat ikilos.
Paglilinaw ni Kiara, hindi niya ito ginagawa para siraan si Gino ngunit nais lang niyang ibahagi kung ano ang totoo sa likod ng kanilang relasyon.
“I’m saying this not because… hindi ko alam, sinasabi ko to because I haven’t defended myself for almost five years and it caused me so much anxiety and depression.
“And now, I’m telling the truth, I don’t know… Plano ko na mag-vlog, magpa-interview pero walang tamang timing, I guess this is it. I’m sorry if I’m saying this on TikTok,” sey ni Kiara.
Related Chika:
Lie, Yamyam, Ashley, Kiara pasok sa final Big 4; Kuya may pasabog sa Big Night
Yamyam, Lou, Andre, Kiara bakbakan para sa titutlong PNB Otso Ultim8 Big Winner
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.