Herlene Budol babu na sa beauty pageants: Titigil na po ako, hindi ko na po ipipilit ‘yung sarili ko…

Herlene Budol babu na sa beauty pageants: Titigil na po ako, hindi ko na po ipipilit ‘yung sarili ko…

PHOTO: Instagram/@herlene_budol

NAG-BREAKDOWN at humagulgol sa iyak ang actress-beauty queen na si Herlene Budol matapos i-anunsyo na hindi na siya sasali sa beauty pageants.

Ayon sa kanyang latest YouTube vlog na ibinandera noong July 27, ilang beses na raw kasi siyang napapaasa na makakasali sa international pageants ngunit lagi raw itong hindi natutuloy.

Dahil daw diyan ay pakiramdam niyang hindi ito ang nakatadhana sa kanya.

Panimula niya sa naturang video, “Hindi lang po ako masaya as Miss Philippines Tourism 2023, masaya din ho ako kasi natupad din ang pangarap ko na magkaroon ng crown at soon to be na mape-present ko ho ang Philippines international, kaso nga lang, si Budol nabudol!”

“Siguro nakakatatlong pageants na ho ako, pero hindi pa rin po pwede,” sey niya habang umiiyak.

Baka Bet Mo: Herlene Budol sasabak sa international pageant kahit hindi nanalo sa Bb. Pilipinas 2022: Bobo man sa inyong paningin, pero para sa akin…

Paliwanag pa niya, “Ibig sabihin, huwag na nga nating ipilit. Ibig sabihin po ‘nun. Ako po si Herlene Nicole Budol na nagsasabing sorry Pilipinas! This is my last pageant, bye bye. Herlene Nicole Budol is signing off.” 

Matapos niya ‘yan sabihin ay lalo pa siyang napaiyak at sabay sabing, “Uy di po ako umaarte ah! Nasasaktan lang po ako kasi totoo ‘yung sinasabi niyo na pinipilit ko lang po talaga sumali, na hindi ko po deserve.”

“Nagsusubok lang po ako na abutin ang mga pangarap ko na magkaroon po ako ng crown at ma-represent ko ang Pilipinas, pero hindi ko po pala kaya,” sambit pa ni Herlene.

Dagdag pa niya, “Kaya humihingi po ako ng sorry sa inyong lahat. Sa lahat po ng taong sumusuporta sa akin, thank you so much po. Kayo po ‘yung dahilan kung bakit ako nandito.”

“Sa mga may ayaw po sa akin, titigil na po ako, hindi ko na po ipipilit ‘yung sarili ko,” patuloy niya.

Hiling pa ng aktres, “Sana po in the future, may tagalog na sa international para po ipagsigawan nating lahat na ako ay PIlipino at magta-Tagalog ako!”

Bagamat sinukuan na ni Herlene ang pagsali sa mga beauty pageant ay naniniwala pa rin siya na may iba siya purpose sa buhay.

“Kumbaga sa akin, hindi po porket hihinto ako sa kung ano ang nasimulan ko ay ibig sabihin ay sumuko ako. Patuloy pa rin po ang laban, baka malay niyo sa ibang journey naman po akong dalhin ng Panginoon,” ani ng beauty queen-actress.

Patuloy niya, “At siyempre, tutuloy ko pa rin ang lahat ng aking adbokasiya para makatulong sa kapwa na makapagpasaya.”

Related Chika:

Herlene Budol may inamin tungkol kay Alden; nagka-cutting sa klase para lang mapanood ang Kalyeserye ng ‘Eat Bulaga’

Read more...