Ang simula ng “Showbiz Update” at “Ogie Diaz Inspires” host ay, “Pag pinagkatiwalaan ka ng trabaho, sipagan mo, mahalin mo at pahalagahan mo. ‘Wag ka pala-absent. ‘Wag kang magbabayad ng magpe-press release para pabanguhin ang pangalan mo porke matagal ka na diyan.”
Nabanggit din niya na huwag lokohin ang sarili lalo’t may mga project na inaangkin.
Sa pagpapatuloy ni Ogie, “Uy, ‘wag mong lokohin ang sarili mo. Tamad ka sa totoong buhay. At ‘wag ka palaangkin ng project na hindi naman ikaw ang nagsimula.
“Mas mataas ang posisyon mo tapos ikaw pa talaga ang naiinsekyur sa mga paani palang ng tagumpay?
Baka Bet Mo: Ogie Diaz sa paggamit ng vape ni Kathryn Bernardo: Bakit ginagawang big deal?
“Baket, ikaw lang ba ang anak ng Diyos? Uy, kahit gaano karami pera mo kung wala kang contentment, para saan ‘yung yaman mon a hindi naman iyo?
“Kung hindi ikaw to, wala kang dapat alalahanin, pero kung ike-claim mon a naman na ikaw ang pinariringgan ko, guilty ka beyond reasonable doubt. Magpakabait ka, ‘wag ‘yung bait-baitan lang,” litany ni Ogie.
Sa pagkakataong ito ay hindi namin siya tinanong kung sino itong pinariringgan na idinaan pa sa blind item dahil tiyak na hindi rin niya sasagutin tulad din ng reaksyon namin sa mga nagtatanong kung sino ang blind item namin. Ha-hahaha!
Anyway, tiyak na madudulas din naman si Ogie sa vlog nilang “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi, Tita Jegs at Ate Mrena kung sino ang pinatutungkulan niya kaya abang-abang lang.
Related Chika:
Kyline Alcantara hinding-hindi mapapatawad si Mavy Legaspi kapag nag-cheat: ‘Walang second chance’