Sa sinabi naming marunong lumingon kung saan siya nanggaling ay dahil kilala pa rin niya at nagbibigay ng tulong sa mga kababayan niya sa probinsya kapag may kailangan na hindi na lamang niya ipinamamalita.
Sa pagtanaw naman ng utang na loob ay parati niyang sinasabi na kung hindi dahil sa ABS-CBN ay hindi niya mararating ang kinalalagyan niya ngayon at kumportable ang buhay niya kasama ang buong pamilya.
Emosyonal na nasambit ito ni Kim sa muli niyang pagpirma ng kontrata sa Kapamilya network nitong Miyerkules ng tanghali.
Aniya, “Tinulungan nila (ABS-CBN) noong walang-wala ako, kaya’t kailangan nila ng tulong ko, I’m here. I will always be here, I will always be grateful and I will always be a Kapamilya.”
Produkto ng “Pinoy Big Brother Teen Edition 1” si Kim na edad 16 noong 2006 at sa loob din ng 16 years ay pinagbuti ng TV host-actress ang trabaho niya kaya lumaki na nang husto ang pangalan niya ngayon at sa tulong na rin ng loyal supporters niya.
Hindi nakakalimutan ni Kim na pasalamatan parati ang supporters niya sa tuwing may matatanggap siyang awards o citations, sabi nga niya ay kasabay niyang lumaki sila.
“Utang ko sa kanila (supporters) kung nasaan ako ngayon kaya hindi ko ipinagkakait kung anuman ang nangyayari sa buhay ko,” saad ng aktres sa panayam sa kanya ni Anna Cerezo ng “TV Patrol” na umere kagabi.
Nabanggit pa ni Kim na noong lumabas siya ng “PBB” house ay hindi siya marunong kumanta, sumayaw, hindi marunong umarte at mag-host lalo’t hindi maganda pakinggan ang boses niya.
“But I’m here living my dream. Napakalaki ng tiwala ko sa ABS-CBN kahit saan nila ako dalhin susunod ako,” saad nito.
Samantala, sa nalalapit na pagbubukas muli ng Bahay ni Kuya ay may twist dawn a magaganap na lahat ng “PBB” winners iimbitahang pumasok ulit at okay daw ito kay Kim.
Gusto niyang makasama sina, “Melai (Cantiveros, PBB Double Up 2015 big winner), Maymay (Entrata, PBB Lucky Season 7 noong 2017).
“Naku, sasabog mga Bisaya magkakaroon ng subtitle ang PBB, ay pati si Bea Saw (PBB 2 big winner) makikita nila sasabog ‘yung papanoorin nila baka stronger na tayo ngayon. ‘Yung 16 year old self ko baka magulat sila sa 32 year old self,” aniya pa.
Parang maganda nga kung sakaling magsasama-sama ang mga winners ng PBB dahil tiyak na riot ito at aabangan ng kani-kanilang supporters gabi-gabi. At sa pakiwari rin namin ay hindi na sila competitive sa isa’t isa.
Anyway, present ang big bosses ng ABS-CBN sa muling pagpirma ni Kim ng kontrata kabilang na sina ABS-CBN CEO at Presidentent, Mr. Carlo L. Katigbak, Mr. Mark L. Lopez ABS CBN Chairman, Ms Cory V. Vidanes ABS-CBN Chief Operating Officer for Broadcast at Direk Laurenti Dyogi, Star Magic head. Naroon din ang manager ni Kim na si Edith Farinas.
Related Chika:
Kyline rumesbak sa mga bashers na nagsabing hindi siya marunong umarte