Kim Chiu kay Xian Lim: I am always here for you, supporting you in everything you do!
IBINANDERA ng Kapamilya TV host-actress na si Kim Chiu kung gaano niya kamahal ang longtime boyfriend nitong si Xian Lim.
Kahapon, July 12 ay ipinagdiwang ng Kapuso actor ang kanyang kaarawan at hindi naman papahuli ang aktres sa pagbati sa kanyang minamahal.
Sa pamamagitan ng isang Instagram reels ay pinagsama-sama ni Kim ang mga larawan at mga videos nila together bilang parte ng pagbati niya sa aktor.
Kalakip naman nito ang napaka-sweet at heartfelt birthday message niya para kay Xian.
“Happy Birthday to the person who holds my [heart]. Thank you for being you and always putting a smile on my face,” pagbabahagi ni Kim.
View this post on Instagram
Baka Bet Mo: Kim niregaluhan ni Xian ng OOTD na pang-motor: Para raw ready ako umangkas sa kanya!
Pagpapatuloy pa niya, “Cheers to many more laughs to share, places to explore, things to solve, and many more, most especially birthdays to celebrate.”
Nangako naman si Kim na patuloy siyang mananatili sa tabi ni Xian.
“I am always here for you, supporting you in everything you do! Happy Birthday @xianlimm,” pagbati ng “It’s Showtime” host.
Nagpasalamat naman si Xian sa pagmamahal sa kanya ni Kim.
“Thank you for this! I love you so much,” sey ni Xian.
2012 pa lang ay nagkaka-date na ang dalawa ngunit taong 2018 lang nang kumpirmahin ni Kim ang kanilang relasyon ni Xian.
Sa isang vlog ay inamin ng aktres na halos isang taon siyang niligawan ng aktor matapos ang kanilang unang Kapamilya series together na “My Binondo Girl”.
Related Chika:
Kim shookt sa ipinakita ni Xian sa ‘Always’: Hala! Ang galing niya, nakaka-in love lalo!
Xian Lim hindi pa handang maging tatay: Spiritually, I think I need a proper mindset for it
True ba, Kim Chiu bibida sa Pinoy version ng K-drama na ‘What’s Wrong With Secretary Kim’?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.