PINABULAANAN ng Kapuso headwriter na si Suzette Doctolero ang mga kumakalat na balita ukol sa diumano’y “meal stub” sa nagdaang GMA Gala 2023.
Usap-usapan kasi sa social media na diumano’y namimigay raw ng food stub kaya nakapila ang mga artista papasok sa pagdarausan ng gala.
“Walang food stub. Table assignment ticket yun. Para alam ng guest [ng GMA Gala] kung saan ang mesa niya,” panimula ni Suzette.
Dagdag pa niya, “Libo po yata ang umattend kasi. The 5-course meal was served at the table.”
Matapos sagutin ni Suzette ang isyu ukol sa diumano’y pagkakaroon ng meal stub ay natanong siya kung wala raw bang ushers at usherettes sa lugar upang i-assist ang mga dumalo sa naturang event.
“Pwede bang wala? Kaloka. Maraming ushers. Once nakuha na namin ang table assignment stub, papasok na kami sa loob (after red carpet) and then dadalhin kami ng ushers sa assigned table,” sey pa niya.
Maging ang Kapuso reporter na si Joseph Morong ay pinabulaananan ang mga chichi online patungkol sa pagkakaroon nila ng meal stub.
Walang food stub. 🤣. Table assignmemt ticket yun. Para alam ng guest kung saan ang mesa niya. Libo po yata ang umattend kasi. The 5-course meal was served at the table. 😊 Good pm everyoneeeee! (Mga ka X na yata ang tawagan natin. Papalitan na kasi ni Musk ang ibon ng X)
— Suzette S. Doctolero (@SuziDoctolero) July 24, 2023
“FACT: What meal stub? That’s for seat numbers for different departments LOL,” saad ni Joseph sa kanyang tweet kasama ang mga hashtags para sa GMA Gala 2023.
Matatandaang naging usap-usapan rin noong nakaraang GMA Gala 2022 ang diumano’y pamimigay raw ng meal stub matapos kumalat ang video ng mahabang pila ng mga GMA artists sa lobby ng hotel dahil naghihintay ang mga ito ng kanilang turn para rumampa sa red carpet.
Related Chika:
Suzette Doctolero naging instant fan ni Andrea: Hindi lang siya katawan, may puso, talino at husay ang babae!
Barbie Forteza, Jak Roberto, David Licauco solong rumampa sa GMA Gala 2023