Cesar Montano natapos na ang Master in Public Safety Administration, paghahanda na nga ba sa muling pagsabak sa politika?

Cesar Montano natapos na ang Master in Public Safety Administration, paghahanda na nga ba sa muling pagsabak sa politika?

Cesar Montano, Cristine Reyes at Marco Gumabao

HINDI pa rin tuluyang isinasara ng award-winning actor na si Cesar Montano ang kanyang isip at puso sa muling pagsabak sa mundo ng politika.

Ayaw muna niyang magsalita ng tapos hinggil sa usaping politics dahil baka raw mali ang masabi niya at kainin lang niya ang mga mabibitiwan niyang salita pagdating ng panahon.

Bukas pa rin ang kanyang pintuan kung sakaling maramdaman niya ang “calling” pagdating sa pagseserbisyo-publiko pero sa ngayon mukhang kakaririn muna niya ang kanyang showbiz career.

Sa mga hindi pa aware, natapos na ni Buboy (palayaw ni Cesar) ang kanyang Master in Public Safety Administration sa Philippine Public Safety College na kinuha niya ng one year noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.


“Umabot sa pandemic. Walang ginagawa. So, I took the opportunity na bigyan ko ng panahon. Sayang, e. Kasi ginawa nila akong scholar for that. Bihira ito, e,” ang pahayag ng aktor sa panayam ng DZRH.

Sa tanong kung paghahanda na ba ito sa pagpasok niya uli sa politics,  “Siguro my best answer to that, is I’ll just the cross the bridge when I get there siguro. Ayoko muna, baka mamaya mali pa ang aking masabi. Hindi natin alam in the future, e.”

Lahad pa niya sa pag-aaral ng public safety administration, “Hindi talaga ako nagsisisi. Ang dami ko talagang natutunan. Marami kami, e. Most them are policemen, firemen, lawyers. Some of them are actually working in the government in agencies, Asec, ganu’n!

“It’s really a great honor for me and opportunity. Hindi ko pinagsisihan. Ako talaga, kahit sino talaga, I will encourage them to take it.

Baka Bet Mo: Kilalang vlogger, 50 iba pa natiketan matapos lumabag sa health protocols

“Kasi maiintindihan mo kung ano yung mga…akala ko nga alam ko na lahat dahil sa mga narinig natin, di ba? Dahil sa social media and everything, alam ko na lahat. Hindi pala.

“Ang dami pala nating hindi pa nalalaman. Kasi, doon mo malalaman, marami. You can discuss a lot of things after you take this Masters in Public Safety Administration,” sey pa ni Cesar.

Samantala, pinalakpakan din ang aktor sa special screening ng bagong drama series sa TV5, ang “Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan” kung saan kasama rin niya sina Cristine Reyes at Marco Gumabao.

Ito yung TV remake ng classic movie na pinagbidahan noon nina Vilma Santos, Christopher de Leon at Eddie Garcia at ipinalabas taong 1983.


Si Cesar ang gumaganap sa role dati ng yumaong si Eddie Garcia, at sina Cristine at Marco naman ang magbibigay-buhay muli sa karakter nina Boyet at Ate Vi.

Muling isasabuhay ng TV5 ang 80s classic love story na “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan” ang pinakaaabangang remake produced by Sari Sari Network Inc. in collaboration with VIVA Entertainment.

Paniguradong tututukan ng Kapatid viewers ang kwento ni Helen (Cristine) at ang pagkahati ng kanyang puso sa dalawa niyang mahal: si Rod (Marco), ang dati niyang kasintahan na iniwan siyang lito at sawi; at si Cenon (Cesar), isang nakatatandang ginoo na paiibigin siyang muli.

Ang kwento ay iikot sa pag-ibig at paghihiganti na mag-iiwan ng katanungan sa mga manonood – kaninong pag-ibig ang magtatagumpay sa huli?

Ang revival ng classic drama na ito ay nagpapatunay ng dedikasyon ng TV5 sa paghahatid ng mga de-kalidad na entertainment content na magpapatibay sa kanilang afternoon program lineup.

Mapapanood ang “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan” simula sa July 25, Lunes hanggang Biyernes, 4:40 p.m. sa TV5 at 8 p.m. sa SARI SARI Channel.

Andi todo suporta sa pagsabak ni Philmar sa 26th Siargao Int’l Surfing Cup: I’m sooo proud of you mahal ko!

Cesar Montano nagtapos ng master’s degree in public safety administration, grumaduate sa edad 60

Read more...