Heart Evangelista, Kaladkaren, Karla Estrada, Isabelle Daza ‘spotted’ sa ika-2 SONA ni PBBM
BUKOD sa mga bigating personalidad ng gobyerno, present din sa ikalawang State of the Nation Address (Sona) ni Pangulong Bongbong Marcos ang ilang kilalang bituin sa mundo ng showbiz industry.
Siyempre, unang-una na riyan ang fashion icon at influencer na si Heart Evangelista na todo-suporta sa kanyang mister na si Senador Chiz Escudero.
Super classy ang OOTD ni Heart na suot ang white terno Filipiniana pantsuit na dinisenyo ni Michael Leyva, habang ang gumawa naman ng Barong Tagalog ni Chiz ay si Paul Cabral.
Ibinandera pa nga ng fashion icon sa Instagram ang close-up ng kanyang look para sa SONA.
Baka Bet Mo: Classical singer na si Lara Maigue bibida sa pagkanta ng ‘Pambansang Awit’ sa SONA ni PBBM
View this post on Instagram
Nakita rin ng BANDERA sa pamamagitan ng livestream ng INQUIRER.NET na rumampa sa red carpet ng Batasang Pambansa ang TV host-comedienne na si Kaladkaren.
Stunning ang look ng komedyana na ayon sa kanya ay inspired sa “puto bumbong” ang kanyang kasuotan dahil papalapit na rin ang Christmas season.
Ang gumawa ng kanyang suot ay si Martin Bautista.
View this post on Instagram
Maliban sa dalawang celebrities, spotted din sa plenary session hall ang celebrity mom at ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada na naka-pink gown at katabi sa upuan ang ilang mga politiko.
View this post on Instagram
Pati na rin ang beauty queen-actress na si Isabelle Daza na nakikinig sa speech ng pangulo.
View this post on Instagram
Tinalakay ni Pangulong Marcos sa kanyang ikalawang Sona ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa loob ng isang taon matapos maupo bilang pangulo.
Related Chika:
Pangulong Marcos nasa Batasang Pambansa na para sa ika-2 Sona
Isabella Daza buntis sa 3rd baby, nakakaloka ang ‘pregnancy reveal’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.