Wilbert Tolentino nag-resign na bilang talent manager ni Herlene Budol…anyare?

Wilbert Tolentino nag-resign na bilang talent manager ni Herlene Budol...anyare?

Herlene Budol at Wilbert Tolentino

NAG-RESIGN na si Wilbert Tolentino bilang talent manager ng Kapuso actress at beauty queen na si Herlene Budol.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ibinahagi ng content creator-businessman, inisa-isa ni Wilbert ang dahilan ng kanyang desisyon tuluyan nang magbitiw bilang Manager ni Herlene.

Paliwanag ni Wilbert, kailangan niya munang pagtuunan ng pansin ang kanyang health at ang pag-aalaga sa anak lalo na ngayong lumalaki na raw ito.

“Ako po ay opisyal ng magbibitiw bilang Talent Manager ni Herlene Hipon Budol effective July 31, 2023. Sa loob ng isa’t kalahating taon, tumayo akong pangalawang magulang niya, sa kanyang karera at tinuring ko siyang para ko na rin anak.


“Mahirap man gawin, halos matagal ko din pinagisipan. Subalit kailangan ko ng pagtuunan ng pansin ang aking kalusugan, at bigyan oras ang aking anak dahil una sa lahat tumatanda na si KaFreshness, at higit akong kailangan nya lalo’t lumalaki na siya,” simulang pagbabahagi ni Wilbert sa kanyang FB post.

Patuloy pa niya “Di lingid sa lahat, na bilang Talent Manager, ito ay ubos-oras na tungkulin. Kulang ang bente kwatrong oras sa isang araw para sa sarili kong buhay. Walang kapantay ang bawat hamon na aking naranasan, matupad lamang ang aking  mga sinumpaang tungkulin para kay Herlene.

“Sa maikling panahon ng pag-aalaga ko sa kanya, marami na din kaming na-achieve, hindi lang sa buhay nya kungdi sa karera nya bilang Beauty Queen.

“Unang salang ko sa kanya sa Binibining Pilipinas 2022 ay naging 1st Runner-up cya ka agad sa tulong ng Kagandahang Flores Camp at buong KaFreshness Glam team at dahil dyan marami ako nakuhang endorsement at proyekto para sa kanya at wala pong komisyon kahit magkano dahil un ang napapaloob sa aming Kontrata at napagkasunduan bilang manager nya.

Baka Bet Mo: Herlene Budol pinayuhang iwan na ang manager na si Wilbert Tolentino, pine-pressure nga ba?

“Ngayun naman na Kapapanalo lang nya bilang Miss Philippines Tourism 2023. Masaya ako para sa kanya dahil maka tungtong cya sa International Stage sooner,” paliwanag pa ng talent manager.

Pagdating naman daw sa pag-aartista ni Herlene, “Nabigyan ko naman eto ng isang malaking break sa tulong ng KaPuso Network na nagkaroon cya agad ng first lead role sa Magandang Dilag at mataas na ratings!


“Marami pa cyang upcoming project na naisara ko para sa kanya hangang matapos ang taong 2023 ay magkakaroon cya ng TV Commercial, Billboard at makikita nyo soon sa lahat ng supermarket ang mukha ni Herlene na e lalaunch ang isang produkto sa last quarter ng taon.

“Masaya ako para kay herlene dahil natulungan at natupad ko mga pangarap nya tulad ng Bagong Bahay, kotse at iba pang investment na e pundar po nya,” lahad pa ni Wilbert.

Naniniwala rin siya na malayo pa ang mararating ng aktres kaya ang payo niya rito, “Sana lang isapuso nya ang core value na itinuro ko sa kanya na COMMITMENT, PROFESSIONALISM and GRATITUDE. I am very optimistic na lalago pa ang karera nya and more endorsement, tv shows and movies to come!

“Gusto ko rin magpa Salamat sa mga kumpanya nag tiwala sa amin ni Herlene at e render ko ng maayos ang mga napagkasunduan at napirmahan namin ang mga Kontrata. Hanggang sa muli,” pahayag pa ni Wilbert kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng sponsors at mga kumpanyang nagtiwala sa kanila ni Herlene.

Pinasalamatan din niya ang mga bossing ng GMA 7 dahil sa patuloy na pagmamahal at pag-aalaga kay Herlene Budol.

Willie Revillame nag-resign na sa ALLTV, pwede pa kayang bumalik sa GMA 7?

Liza binanatan ng netizens matapos ipagtanggol si Angel: Shut up na lang, wag nang makialam

Read more...