Fans ipinagtanggol si Kathryn sa isyu ng ‘vape’: ‘Normal lang ‘yan at hindi na siya minor’
By: Alex Brosas
- 2 years ago
Kathryn Bernardo
NAPANOOD namin ang TikTok video kung saan nakita si Kathryn Bernardo na may hawak na isang bagay na pinaniniwalaang vape.
Sa video na nakunan ng isang guy, nakita si Kathryn kasama ang isang assistant who was with her na tila nasa labas ng isang building. Hindi namin matukoy kung isa itong park.
Anyway, sa short video ay nakita ang nahulog na isang maliit na bagay mula sa bulsa ni Kathryn. Kinuha niya ito at tila itinutok sa kanyang bibig.
Ipinalagay noong una na isa itong flash drive, kalaunan ay inakala itong USB and later on, inakala nila na isa itong vape.
Ang contention naman ng nakakita, bakit walang usok na lumabas kung nag-vape si Kathryn.
Anyway, the TikTok video was posted in a popular website at nagkaroon ng magkakaibang comment ang netizens.
“Ganun naman tlaga. Hindi lahat pinapakita dahil baka makasira sa santa santita image nya.
so pag naka vape masama ugali?! sarap tsinelasin netong si 10:44. may kilala ako walang bisyo palasimba pero narcissist sa family. usto mo yun? Lol.”
“Wala namang sinabing masama. It does not reflect the morality of the person. But aminin natin hindi good example lalo na kung may kabataan kang followers kung nagvavape ka? Kung hindi mo ako mabibigyan ng cons of using vape, then sige, magvape kayo hanggat kaya ng ng lungs nyu!”
“Kung normal yan bakit patago bakit di sya magpost sa IG nya na nagvvape siya? Kasi masisira image nya. It’s bad for her health. Yun lang sana hwag gayahin ng mga fans nya.”
“Vaping is more hazardous to health, more toxic than tobacco cigarettes. Tapos she didn’t exhale the smoke for whatever reason!”
“True, vaping is a choice and she has all the right to choose, albeit not good for the health. It’s just not consistent with her public persona, hence, she comes off as somebody who’s just creating a false image.”
“Vape. Eh ano naman ngayon? Matanda na yang si kathryn. Hindi na sya bata.”
“It’s her body, though. She can do what she wants with it. Unless, she goes out and promote a PSA that says ‘cigs/nicotine is bad for you,’ she can smoke/vape all she wants.”
* * *
Kahit nasa labas ng bansa, pwede pa ring tutukan ang paboritong ABS-CBN shows sa Kapamilya Online Live sa YouTube, kung saan sabay na ang livestreaming sa Pilipinas at sa ilang bahagi ng Asya.
Sabay-sabay nang makakanood ng livestreaming ng latest episodes ng mga piling programa ang mga Kapamilya sa iba’t ibang bansa sa Asya tulad ng Japan, Singapore, Hong Kong, Taiwan, Malaysia, South Korea, Thailand, Macao, Indonesia, at Vietnam. Sa mga gustong magcatch-up sa panonood, pwede rin mag-unli-replay sa Kapamilya Online Live ng hanggang 14 araw.
Sama-samang kiligin, umiyak, at ma-excite sa pinakahuling episodes ng Primetime Bida sa “FPJ’s Batang Quiapo,” “The Iron Heart,” at “Dirty Linen.” Pwede ring makisaya at makitawa kasama ang madlang people sa “It’s Showtime,” pati na rin sa “ASAP Natin ‘To.”
Hindi na rin mahuhuli sa premiere ng pinakabagong noontime shows ng ABS-CBN at TV5 para sa kanilang kauna-unahang co-production deal.
Simula Hulyo 25, mapapanood na ang “Pira-Pirasong Paraiso” tampok sina Loisa Andalio, Charlie Dizon, Alexa Ilacad, at Elisse Joson, at ang “Nag-aapoy Na Damdamin” na pinagbibidahan naman nina Tony Labrusca, Ria Atayde, JC De Vera, at Jane Oineza.
Bukod sa bago at kasalukuyang umeereng mga palabas, masusubaybayan din araw-araw ang pinakabagong news updates sa Pilipinas sa pamamagitan ng ABS-CBN News programs.
Para naman sa mga gustong balikan ang pinakaminahal na mga Kapamilya teleserye, nasa Kapamilya Online Live rin ang mga palabas tulad ng “Be Careful with My Heart” “Ang Sa Iyo Ay Akin,” “Los Bastardos,” “A Soldier’s Heart,” at marami pang iba.