Melai Cantiveros may ‘acting gig’ sa South Korea, hirit ng kapwa celebs: ‘Iba! International star na!’

Melai Cantiveros may ‘acting gig’ sa South Korea, hirit ng kapwa celebs: ‘Iba! International star na!’

PHOTO: Instagram/@mrandmrsfrancisco

MAKALIPAS ang isang linggong pamamasyal, tila nagkaroon naman ng sideline ang comedienne-actress na si Melai Cantiveros sa South Korea!

Ibinunyag ni Melai na nagkaroon siya ng acting gig para sa Korean drama na “Maam Chief.”

Ibinandera niya ang ilang behind-the-scenes photos sa kanyang Instagram account noong July 21.

Makikita sa naturang post na may suot siyang wig at kasama pa niya ang ilang Korean production crew.

“Isip isip ko nagtataka siguro sila kasi bakit ako ang artista nila [random emojis] kaya nag kamsamnida nalang ang beshy niyo [emojis] para maniwala sila,” sey niya sa IG caption.

Baka Bet Mo: Melai nagsisimba pa rin kahit nasa ibang bansa, netizens saludo: ‘Very good example, keep it up!’

Dahil diyan, napa-comment ang maraming kapwa-artista sa post ni Melai at kahit sila ay na-excite sa kanyang upcoming project.

Komento ng TV host na si Bianca Gonzales, “International Star!!! Iba!!!! Wag mo kami kalimutan Me!!!”

Saad ng isa pang TV host na si Amy Castillo, “Wow! Congratulations! Ang saya!”

Natuwa rin ang beauty queen na si Samantha Bernardo at sinabing, “Congrats ate! They are lucky to have you! [smiling face with heart eyes emoji] Abangan namin ‘to!”

Sa isa pang hiwalay na IG post, ipinakita naman ni Melai ang second day ng kanyang taping.

Makikita ang isang video na nakikipag-bonding siya sa ilang staff ng production team.

Kapansin-pansin din na hindi hadlang sa aktres ang magkaibang lenggwahe dahil nagagawa pa rin niyang magbiro at magpatawa sa mga ito.

Habang abala si Melai sa kanyang trabaho, nasa South Korea rin ang kanyang pamilya.

Related Chika:

Chito Miranda na-experience ang ‘worst nightmare’ bilang bokalista, super thankful sa crowd

Read more...