RK Bagatsing pinakilig si Jane Oineza, sinorpresa ng birthday salubong: ‘It’s the effort for me…’

RK Bagatsing pinakilig si Jane Oineza, sinorpresa ng birthday salubong: ‘It’s the effort for me…’

PHOTO: Instagram/@bagatsingrk

NAGING extra special ang birthday celebration ng Kapamilya actress na si Jane Oineza.

Ito ay matapos siyang batiin ng kanyang boyfriend na aktor na si RK Bagatsing sa pamamagitan ng social media.

Sa Instagram, masayang ibinandera ng aktor ang sweet picture nilang dalawa habang magkayakap.

Kalakip din niyan ang matamis niyang mensahe para sa girlfriend.

Pagbati niya, “Wishing a very happy birthday to my beautiful, Elizabeth!”

“You are my rock, my inspiration, and my best friend,” wika pa niya sa IG post.

Hiling pa niya, “May your journey be filled with continued success, happiness, and fulfillment. Super proud of you. Here’s to celebrating you today and always. Happy birthday!”

Baka Bet Mo: Jane Oineza ipinagdarasal na si RK Bagatsing na ang ‘forever’: ‘Hindi naman ako pumapasok sa isang relationship na laro-laro lang’

Nag-reply naman diyan mismo ang aktres at sinabing, “[teary-eyed face emoji] my love, you’re my (birthday) wish come true [heart emoji] Thank you for loving me the way you do [face blowing a kiss emoji].”

Hindi nagtatapos diyan ang sweet gesture ni RK dahil makikita naman sa IG Stories ni Jane na sinorpresa pa siya nito.

Ibinandera sa naturang post ang litrato ng aktor na may hawak na bouquet of flowers at cake.

Nakalagay pa sa caption na nangyari ang sorpresang birthday salubong ng 12:47 a.m.

Ni-repost pa nga ito mismo ni RK at humingi ng tawad dahil ang ginamit niyang kandila ay ‘yung ginagamit kapag “brownout.”

Sagot naman ni Jane, “hahahahahaha it’s the effort for me [heart emoji] Special nga eh [grinning face with sweat emoji].”

PHOTO: Intagram Stories/@janeoineza

Magugunita noong nagdaang Mayo nang ipagdiwang ng couple ang kanilang second year anniversary bilang mag-dyowa.

Related Chika:

Kiray Celis sinorpresa ng dyowa bago mag-birthday: Mahal na mahal kita, sobra pa sa sobra!

Read more...