Marco Gumabao ramdam na si Cristine ang kanyang ‘the one’: Hindi naman ako magsasayang ng oras kung hindi ko nakikita ang tao for the end game

Marco Gumabao ramdam na si Christine ang kanyang 'the one': Hindi naman ako magsasayang ng oras kung hindi ko nakikita ang tao for the end game

Marco Gumabao, Cristine Reyes, Cesar Montano

KINAILANGAN pa namin panoorin ang pelikulang “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan” na ipinalabas noong 1983 mula sa direksyon ni Marilou Diaz-Abaya na pinagbidahan nina Vilma Santos-Recto, Christopher de Leon at ang namayamang si Eddie Garcia.

Gusto kasi naming makita kung paano naman ito binigyan ng hustisya nina Cristine Reyes (Helen), Marco Gumabao (Rod) at Cesar Montano (Cenon) na ginawan ng remake ng TV5 at prinodyus ng Sari Sari Network Inc. kapartner ang VIVA Entertainment na mapapanood na simula sa Lunes, Hulyo 25 sa ganap na 4:40PM sa Sari Sari Channel na available sa Cignal TV, SatLite Ch. 3 at Cignal Play.

Base sa napanood naming screening ng “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan” na ginanap sa Gateway Cinema 1 nitong Biyernes, Hulyo 21 ay ipinakita ang backstory nina Marco at Cristine bilang mag-boyfriend at girlfriend muna hanggang sa mag-propose ang una bago ito nagpaalam na mangingibang bansa para magtrabaho.

Sa simula naman ng pelikula nina Vi at Boyet ay nagpapaalam ang huli para i-avail ang scholarship nito kahit ayaw siyang payagan ng una dahil hindi siya sanay na wala ito sa tabi niya.

Hindi na ipinakita sa pelikula kung paano nagkakilala at nagpakasal sina Vi at Eddie dahil buhay na nilang mag-asawa ang kuwento hanggang sa bumalik si Boyet para guluhin ang buhay ng mag-asawa na tahimik na nagsasama.

Para sa amin ay maganda ang simula ng remake dahil ‘yung mga hindi ipinakita sa pelikula ay binuo sa series para siyempre pahabain sabi nga ni Direk Jerome Pobocan with his co-director Claudio ‘Tots’ Sanchez-Mariscal.

Sina Cristine at Cesar naman ay matagal nang magkakilala dahil naging teacher ng una ang huli at naging high school crush pa at muling nagkita nang maaksidente ang huli na iniligtas ng una.

Kaya nagkalapit hanggang sa nagkagustuhan at nagpakasal na inakalang okay na ang lahat hanggang sa bumalik ng Pilipinas si Marco at hayun, guguluhin ang buhay nina Cristine at Cesar.

Sa pelikula ay obviously malayo ang itsura nina Vilma at Eddie at masasabi talagang marriage for convenience o para lang makalimot.

Pero sa series ay hindi masasabing gustong makalimot dahil itinapon na ni Cristine ang engagement ring nila ni Marco at sinabi na niyang mahal niya si Cesar kaya sila ikinasal at take note, maganda ang chemistry nila sa screen.

Napansin din naming ang ganda-ganda ni Cristine sa series parang laging bagong gising kasi ang fresh niya at kahit ganu’n ay hindi nahuli ang itsura ni Cesar kaya panay ang pasalamat niya sa dalawang direktor nila na sina Jerome at Tots plus ang Director of Photography at gaffer (mga nagi-ilaw).

Well, si Marco ay hindi na kinukuwestiyon dahil guwapo naman siya sa screen talaga na tila na-in love kay Cindy Miranda na boss niya noong nasa Amerika siya at kakilala ni Cesar.

Anyway, sa hapon ang timeslot ng “Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan” sa TV5 kaya puwede kaya isama ito sa listahan ng mga mahihilig sa teleserye at hindi naman ito makakasabay ng pinanonood ng karamihan, ang “FPJ’S Batang Quiapo”, “Dirty Linen” at “Iron Heart” na umeere naman sa Kapamilya online.

Speaking of Marco ay inamin niyang matagal na siyang starstruck sa girlfriend niya ngayon na si Cristine noong nagkasama sila sa “Tubig at Langis” bilang magkapatid ang role nila.

Natanong ang binata kung ano ang masasabi niya kay Cristine ngayong magkasama sila sa Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan.

Baka Bet Mo: Marco Gumabao ibinandera na ang relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘You are my home and my adventure all at once’

Sagot kaagad ng aktor, “Dati pa lang sa ‘Tubig at Langis’, starstruck na talaga ako sa kanya, eh. Magkapatid pa ‘yung role namin. Pero of course, when you see her act, talagang imposibleng hindi ka madala, eh. Kasi talagang magaling talaga si Cristine.”

Natanong ang aktor kung sa nasabing serye ba sila naging close ng aktres at nauwi sa relasyon.

Naunang sumagot si Cristine, “Ang aga.”

Na ibig sabihin ay isyu agad ang tinanong imbes na tungkol sa pelikula.

Ang next question ay nakikita na ba ni Marco na si Cristine na ang huli niya at kung nakaka-relate siya sa proposal niya base sa kuwento ng serye.

“Oo naman, of course!” mabilis na sagot ng aktor.

Sabi pa, “ako nakikita ko. Hindi naman ako magsasayang ng oras kung hindi ko nakikita ang tao for the end game.”

At ilang taon na rind aw siyang naging single kasi nga hinihintay niya ang ‘the right one’ at sa tingin niya ay si Cristine nga iyon.

“Ilang taon na akong single, ‘di ba? At laging tinatanong sa akin ng press kung ‘bakit ka pa single?’ ‘Bakit ayaw mong mag-girlfriend?’ Eh kasi, hinihintay ko ‘yung right one para sa akin. And I think and I feel it’s Cristine,” diretsong sagot ni Marco na ikinahiyaw ng media with matching kilig pati na rin si Cesar.

Hindi naman halos makapagsalita si AA sa mga narinig mula sa boyfriend pero halatang may kilig ding naramdaman.

Anyway, magandang panoorin sa isang serye o pelikula ang dalawang nagmamahalan sa totoong buhay dahil inspirado silang umarte lalo’t ang mga linyahan nila ay sinasabi nila in real life kaya tiyak na galing ito sa kanilang mga puso.

Kasama rin sa series sina Lara Morena, Lito Pimentel, Mickey Ferriols, Felix Roco, Abby Bautista, Keagan De Jesus, Josef Elizalde, Mayton Eugenio at Suzette Ranillo.

Related Chika:
Marco tanggap ang pagiging single mom ni Cristine: ‘She’s very wife material, sobrang bait at walang arte’

Marco Gumabao nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Cristine Reyes: ‘Click kami in terms of mga trip sa buhay, sa ugali namin’

Read more...