Lolit Solis hanga sa ganda ni Belle Mariano: ‘Hindi mo pagsasawaan’

Lolit Solis hanga sa ganda ni Belle Mariano: 'Hindi mo pagsasawaan'

PURING-PURI ng talent manager at kolumnistang si Lolit Solis ang Kapamilya actress at dating child star na si Belle Mariano.

Sa kanyang Instagram page ay ibinandera niya ang larawan ng Kapamilya star kalakip ang papuri niya sa dalaga.

“Ang ganda ganda ni Belle Mariano, Salve. At alam mo bang marami ang nai inggit sa dami ng endorsement niya? Paano nga halos lahat ng commercials, nanduon siya,” lahad ni Lolit.

Dagdag pa niya, mukhang very pleasant raw ang Kapamilya actress sa trabaho at mukhang mayos at mabait ka-work kaya naman umaapaw ang blessing at projects.

Hirit pa ni Lolit, “Ang cute niya sa TV kaya hindi mo pagsasawaan ang ganda niya. Bagay na bagay sila ni Donny Pangilinan kaya naman patok na patok ang commercials nila.”

 

Baka Bet Mo: Cristy Fermin never pinersonal si Paolo Contis, walang galit kay Lolit Solis: ‘Bahagi ka lagi ng mga panalangin ko’

Hiling naman niya na sana ay magpatuloy pa ang pagdating ng mga blessings sa dalaga.

“Sana nga ay matuloy ang balak na gawan pa sila ng malalaking project para mas marami pa ang manuod sa kanila. At sana nga mas makilala pang mabuti si Belle Mariano para dumami pang lalo ang kanyang mga projects,” sey ni Lolit.

Mukhang maski ang mga staff ng kolumnista ay super faney ng Kapamilya love team na DonBelle dahil ang larawan na ipinost niya ay larawan ni Salve kasama si Belle.

Chika pa ni Lolit, “Meron photo si Salve with Belle Mariano kaya inggit si Gorgy na gusto naman mag photo op kay Donny Pangilinan. Bongga ha.”

Samantala, bukas na magaganap ang concert ng dalaga na pinamagatang “Beloved” sa New Frontier Theater.

Related Chika:
Belle Mariano nabuking dahil sa lato lato, tinawag na ‘babe’ si Donny Pangilinan

Donny, Belle may matinding pasabog para sa DonBelle fans; todo pasalamat sa mga natanggap na awards

Read more...