Christian Bables sobrang proud kay Jennica Garcia, sigaw ng netizens: ‘Kayo na lang please’

Christian Bables sobrang proud kay Jennica Garcia, sigaw ng netizens: 'Kayo na lang please'

IBINANDERA ng akto na si Christian Bables kung gaano niya pinahahalagahan ang aktres at kaibigang si Jennica Garcia.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang selfie nila ng aktres kalakio ang simple pero malamang caption.

Ani Christian, “Proud of my friendship with this rare find. It may not be perfect, but it’s the purest I’ve ever had.”

Pahabol pa niya, “Love you tol.”

Sinagot naman ni Jennica si Christian at sinabing “Thank you tol, i love you too!”

Kaya naman hindi na rin mapigilan ng kanilang mga fans at supporters ang kanilang kilig sa dalawa.

Baka Bet Mo: Jennica nagsalita na sa tunay na relasyon nila ni Christian; bakit galit na galit si Jean nang magtrabaho siya bilang medical officer?

 

 

“[Bakit ganu’n sobrang nakakakilig kayong dalawa sana pang] forever [na ‘yung] love [bagay na bagat kayo talaga] promise,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “I commend Jennica for all that she’s been through in life at an early age! She battled and protected herself and her two daughters on her own and is winning! Christian and Jennica make a perfect pair in life!!!”

“Sana magkasama pa kayo ulit sa mga projects n’yo.teka teka lang. AKO lang ba nka pansin ung may sparks chemistry silang dalawa,” sey naman ng isa.

Hirit naman ng isa, “Kayo na lang kasi Christian at Jennica! Panindigan n’yo ‘yung kilig namin.”

Samantala, nag-post rin ng larawan nila sa kanyang Instagram account si Jennica.

“Rank Up: Legend,” saad ng aktres at tinag si Christian.

Talaga namang hindi nahihiya ang aktor na ibandera ang pgmamahal kay Jennica at kahit sa comment section ay ipinapakita niya ito sa kaibigan.

“Lab na lab kita, tol ko ❤️❤️❤️ will treasure this milestone in our friendship. Love you 1 gazillion times ,” sey ni Christian.

Related Chika:
Christian Bables never nakipagbardagulan sa bashers, pero apektado ba ang lovelife kapag natsitsismis na bading?

Christian Bables imposibleng ma-in love sa bading: My preference ay hindi po same sex…

Read more...