Rocco Nacino promoted bilang 2nd Lieutenant ng AFP Reserve Command: Time to make life more interesting

Rocco Nacino promoted bilang 2nd Lieutenant ng AFP Reserve Command: Time to make life more interesting
PROUD na ibinandera ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang pinakabagong achievement kung saan na-promote siya bilang 2nd Lieutenant ng Reserve Force ng Armed Forces of the Philippines.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang mga larawan ng seremonya ng kanyang pagkaka-promote.

“Today I accepted the challenge of wearing a new hat, having new responsibilities, embarking on a new journey. This time with the AFP Reserve Command,” saad ni Rocco.

Aniya, nagpapasalamat siya sa ibinibigay na oportunidad na makapaglingkod sa bayad.

Grateful for the many opportunities to serve our nation by using our influence for good, for hope, and to motivate,” pagpapatuloy ni Rocco.

Nangyari ang ceremony ng kanyang promotion noong Martes at kasa-kasama niya sa mahalagang araw ang asawang si Melissa Gohing.

Bukod rito ay present rin ang mga magulang ni Rocco.

Baka Bet Mo: Rocco Nacino muntik nang manakawan sa theme park, driver nagtulug-tulugan nang palibutan ng mga suspek ang kanilang sasakyan

Marami naman ang nagpaabot ng congratulatory messages para sa aktor.

“Congratulations son 2nd Lieutenant ENRICO RAPHAEL Q. NACINO, Nurse Corps, Civil Military Affair Brigade, AFP Reserve Command. We are proud of your achievements! Glory to God for His guidance in all your endeavors!” pagbati ng kanyang ina.

Comment naman ni Diva Montelaba, “ALWAYS PROUD OF YOU NICE!”

“Congrats Sir!” sey naman ni Enzo Pineda kay Rocco.

Pagbabahagi ng aktor, layunin niyang maka-inspire ng mga kabataan na mag-enlist rin sa military dahil malaking tulong ito sa mas maayos na pagdidisplina sa sarili.

Related Chika:
Rocco Nacino may bagong natutunan bilang tatay nang dalhin sa doktor si Baby EZ para mapabakunahan

Kris Bernal napiling ninang, ninong ng anak sina Rhian Ramos, Rocco Nacino, Jennylyn Mercado

Read more...