MATAPOS mahulihan ng marijuana sa isang airport sa Cayman Islands, inaresto agad ang supermodel na si Gigi Hadid.
Ayon sa news outlet na Cayman Marl Road, mismong mga custom officer ang nakakita na nakalagay sa kanyang mga bagahe ang naturang cannabis plant.
Nakalaya naman daw ang modelo, pati ang kanyang kaibigan matapos magmulta ng $1,000 o mahigit P54,000.
“During the search of their luggage, ganja and utensils used for the consumption of ganja were found in the luggage of both passengers. The quantities were relatively small and were seemingly for personal consumption,” saad sa report.
Dagdag pa, “Both female passengers were arrested on suspicion of Importation of Ganja and Importation of Utensils used for the consumption of ganja.”
Baka Bet Mo: Robinhood Padilla nais gawing legal ang paggamit ng medical marijuana
“They were both taken to the Prisoner Detention Center for processing and subsequently released on bail pending a ruling on the case by the Office of the Director of Public Prosecutions,” aniya.
Si Gigi at ang kanyang kaibigan ay hinatulang “guilty” at nakapagpiyansa sa loob ng dalawang araw matapos maaresto.
Dahil sa nangyari, naglabas ng pahayag ang kampo ng supermodel na eksklusibong nakuha ng American entertainment website na “E! News” at sinabing may medical license ang mga marijuana ni Gigi.
“Gigi was traveling with marijuana purchased legally in NYC with a medical license,” sey ng representative.
Patuloy pa sa pahayag, “It has also been legal for medical use in Grand Cayman since 2017.”
“Her record remains clear and she enjoyed the rest of her time on the island,” aniya pa.
Samantala, tila hindi nagkaroon ng problema si Gigi sa Cayman Islands dahil base sa kanyang Instagram post ay makikitang nag-eenjoy siya sa kanyang bakasyon kasama ang kanyang kaibigan.
“All’s well that ends well,” caption pa niya sa isang post.
Related Chika: