LPA sa Visayas posibleng maging bagyo sa mga susunod na araw

LPA sa Visayas posibleng maging bagyo sa mga susunod na araw –PAGASA

Pauline del Rosario - July 20, 2023 - 12:38 PM

LPA sa Visayas posibleng maging bagyo sa mga susunod na araw –PAGASA

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

ISANG bagyo ang inaasahang mamumuo sa bahagi ng Visayas.

Ito ang ibinalita mismo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong July 20 sa isang press briefing.

Huling namataan ang Low Pressure Area (LPA) sa Borongan, Eastern Samar.

Ayon sa weather bureau, nakikita nila na magiging bagyo ito sa mga susunod na araw at papangalanan itong “Egay.”

“Itong Low Pressure Area sa loob ng 24 to 48 hours ay may tsansa pa rin na mabuo bilang isang bagyo at kapag naging bagyo ito ay tatawagin na si Tropical Depression Egay,” sey ni Weather Specialist Patrick Del Mundo.

Paliwanag pa niya, “Nakikita natin sa ating Satellite Image na karamihan ng mga kaulapan dito sa silangang bahagi ng Mindanao na nakapalibot dito sa Low Pressure Area ay nag-dicipate na.”

“Kaya naman sa mga susunod na oras, unti-unting tataas ang tsansa nitong Low Pressure Area na ito na maging isang bagyo, especially hanggang bukas,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal nang idineklara ng PAGASA

Base sa weather bulletin ng PAGASA ngayong araw, asahan na ang LPA ay magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Kabilang na riyan ang Visayas, Romblon, Sorsogon, Masbate, Zamboanga del Norte, Misamis Provinces, Camiguin, Agusan del Norte, Surigao del Norte, at Dinagat Islands.

May epekto rin ang “Trough” o buntot ng LPA na posibleng magpaulan sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng ating bansa.

Babala ng PAGASA, posible ang mga pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar sakaling makaranas ng katamtaman hanggang sa matinding pag-ulan.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Asahan ang maghapong pag-ulan dahil sa LPA, Hanging Habagat –PAGASA

PAGASA: ‘Ang pagpasok ng bagyo ay posibleng hudyat ng pagsisimula ng panahon ng tag-ulan’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending