Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng “The Voice Generations” sa Asia na mapapanood nga very soon sa GMA 7 hosted by the one and only Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Ayon sa TV host-actress, magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman niya habang papalapit na ang pag-ere ng nasabing Kapuso reality singing search.
“Siyempre ‘yung trust ng GMA and ‘yung napili ako na maging coach and mentor talagang nakakataba talaga ng puso.
“It’s my first time na magme-mentor ng talents, I’m kinda nervous, but I’m very very excited to witness very talented and amazing people, amazing groups,” pahayag ni Julie Anne.
Siguradong makaka-relate ang girlfriend ni Rayver Cruz sa naturang competition dahil nagsimula rin siya pagiging kontesera.
“I also came from a competition and it wasn’t an easy one. It’s challenging, kahit na mga bata pa kami nu’n,” sey pa ng dalaga.
“When I was in PopStar Kids (dating talent search sa channel 11) naranasan ko rin ‘yung hirap nu’ng proseso kung ano ‘yung feeling ng nasa competition, ‘di ba?
“So you’ll really want to work on your performances every now and then kailangan talaga lagi ka talagang may bago so I also want to impart those experiences to the talents na kung sino man ‘yung mga iko-coach ko or ime-mentor ko,” pahayag pa ni Julie Anne.
Handa na rin daw siya sa “pakikipagbardagulan” sa mga kapwa niya coach sa “The Voice Generations” na sina Billy Crawford, Stell Ajero ng SB19 at Chito Miranda.
“Excited din ako kasi I’ll be working alongside Billy Crawford, Chito Miranda, si Stell ng SB19. They are also very kind and really passionate artists,” aniya pa.
Ayon pa kay Julie Anne, bukod sa bonggang experience niya sa programa, siguradong marami rin siyang matututunan sa mga kasamahan niyang coach dahil sa dami na rin ng mga experience ng mga ito sa entertainment industry.