Angelica, Pooh 7 km ang tinakbo dahil sa ‘tsunami scare’ sa Bohol
Isa si Angelica Panganiban sa mga Pinoy na naka-experience ng lindol. Nasa Tagbilaran kasi ang dalaga kasama ang cast and crew ng Banana Split para sa taping nila roon.
A few minutes after the earthquake ay nag-post si Angelica ng collage of photos with this caption: “Ang buong araw namin.. Pero ang iba samin, nasa Bohol pa din.. Naniniwala kami na makakauwi sila ng ligtas at sana lahat ng kapamilya natin sa Visayas, ligtas na, at nakakapag-pahinga na ng mahimbing.
“Yang largest pic ay, seconds bago magkaron ng tsunami scare kaya nagtakbuhan ang lahat ng taga dun, kami, at tourists.
Naghanap kami ng mataas na lugar papunta sa city hall ng tagbilaran. Nakatakbo kami ni pooh ng 7kms away sa location na yan in less than 40 mins. Kumalma na lang kami sa city hall, nung kumpleto na kami.
“Maraming salamat sa nagdasal para tumigil na ang kalamidad. Sa mga nagpadala ng pagkain. Bumili ng inumin. Sa sinakyan naming tryc. Sa mga batang umiiyak.. Sana natahan na kayo dahil nakasama niyo na pamilya niyo. Mabuhay ang katatagan nating mga pilipino.
“Tulong tulong tayo pinas 🙂 mag dasal tayong lahat. At the end of the day, kaya pa din natin ngumiti sa lahat ng ‘to. Kinaya kong makauwi, at makasama mga mahal ko, sa kakaisip ng mga bagay na masasaya. Nag work siya sakin. :)” mahabang tweet ng aktres.
Imagine, 7 kilometers ang tinakbo ni Angelica at Pooh because of the tsunami scare. But it turned out it was just a hoax. Wala naman palang magaganap na tsunami sa Bohol at iba pang tinamaan ng lindol. Pero sey ni Angelica mabuti na raw ‘yung nakahanda sila.
Nag-post din si Angelica ng photo ng pagkaing ibinigay sa kanila ng mga nagmagandang-loob noong nasa Bohol sila with this caption: “Maraming salamat sa may mabuting puso na nagpakain samin…. Mabuhay kayong may mabubuting kalooban.”
Unforgettable para sa sexy actress ang nangyari sa kanila sa Bohol kaya naman sabi niya, “Pray for Bohol…Pray for our safety.
Hindi na matatanggal sa isip namin ang nangyari ngayong umaga.
“Sana tumigil na nga ang mga after shocks. Ngayon alam ko na ang pakiramdam kapag akala mo magpapaalam ka na sa mundo.. Pero safe naman na daw kami.. Sana tuloy tuloy na.. God Bless Philippines.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.