Coleen madaling sumuko sa pag-ibig pero never siyang binitiwan ni Billy: ‘Kapag sinabi kong ayoko na, hindi siya pumapayag’

Coleen madaling sumuko sa pag-ibig pero never siyang binitiwan ni Billy: 'Kapag sinabi kong ayoko na, hindi siya pumapayag'

Billy Crawford, Amari at Coleen Garcia

“SOBRANG impatient ko and very impulsive!” Yan ang paglalarawan ni Coleen Garcia sa kanyang sarili noon na medyo pinagsisisihan daw niya ngayon.

Inamin ng wifey ni Billy Crawford na marami rin siyang nagawang sablay sa buhay at maling desisyon noong kanyang kabataan.

Sey ni Coleen, ngayon niya raw nari-realize na sana raw ay mas marami pa siyang pwedeng gawin ngayon sa kanyang career kung ipinagpatuloy niya ang mga nasimulang hobbies noon.

“Ako kasi very impatient and impulsive person kasi ako. So, throughout my life nagkaroon ako ng maraming hobbies. Nagkaroon ako ng maraming lessons, ganu’n.


“Na-try ko nang mag-piano, ballet. Ang dami kong hobbies – painting, mahilig din ako sa paining dati.

“Tapos parang sa sobrang impatient ko and impulsive wala akong… yung meron ako ngayon which is more of humility to learn, parang pag naiinis ako, or napipikon ako sumusuko ako agad,” pahayag ng celebrity mom sa presscon ng digital series na “Kung Hindi Lang Tayo Sumuko” under Viva One.

“Tapos sinasabi ko, ‘Ay, hindi ko kaya.’ Hindi ko na lang ipagpapatuloy. Like dancing, hindi pa rin ako marunong sumayaw.

“Pero kung itinuloy ko siya, eh, di sana marunong na akong sumayaw. Hindi ko naman naisip na mapadpad ako dito sa entertainment industry.

Baka Bet Mo: JC Santos enjoy na enjoy ang pagiging tatay: Nakikita mo ‘yung nagiging personality niya

“So ayun, parang hanggang ngayon. Siyempre we try to live with no regrets, di ba, pero iniisip ko na sana pinagbutihan ko noon. Sana naging masipag ako noon para I could reap the benefits now, di ba?

“Pero it’s never too late, yon yung mga bagay na puwede pa namang balikan, except yung pagsasayaw, medyo too late na yon,” natawang sabi ni Coleen.

Hirit pa niya, “Babawi na lang ako through Amari sa pagsasayaw. Nasa genes naman niya. Basta hindi niya makuha yung akin (paa).”


Samantala, hindi naman naniniwala si Coleen sa kapaniwalaan na ang karaniwang nagdadala sa relasyon ng mag-asawa ay ang babae at kapag babae na ang umayaw ay katapusan na ng lahat.

“Alam mo, ako yung proof na hindi totoo yon. In all honesty, bago naging kami ni Billy, yung mga relationships ko parang ano, hindi siya lumalampas ng one year kasi sumusuko ako kaagad.

“As in wala, wala akong relationship na lumagpas ng one year. Pero now, going on nine years na kami ni Billy and I think it’s the first time kasi na nagkaroon ako ng partner na hindi ako kino-call.

“Parang pag sinabi ko na ayoko na, parang hindi niya sinasabi na, ‘Sige, okey, tapusin na natin ito!’ Parang never siyang pumayag, not even once. Not even one time naging option para sa kanya na maghiwalay kami,” pani Coleen.

“May mga days din talaga na mahirap to forgive—not the big things—kasi natuto ako to forgive the big things. Ang mahirap para sa akin is yung instant forgiveness every day, yung mga maliliit na bagay.

“Kasi minsan mainit yung ulo, minsan may pinagdadaanan ka, di ba or something. So, para sa akin mahirap yung ipo-forgive mo instantly yung mga maliliit na bagay. Yung hindi mo siya maiipon,” mariin pang sabi ng aktres.

Billy ibinuking si Coleen: Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kuripot ang asawa ko!

Coleen itinuturing na blessing at ‘hero’ si Billy: Thank you for being you!

Read more...