DSWD sisimulan na ang pilot run ng ‘food stamp program’ sa July 18

DSWD sisimulan na ang pilot run ng ‘food stamp program’ sa July 18

INQUIRER file photo

ILULUNSAD na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pilot implementation ng “food stamp program” sa Tondo, Maynila sa darating na July 18.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian sa isang forum kasama ang ilang reporters, “‘Yung pilot, gradual phasing, sisimulan natin sa 50 na pamilya sa Tondo sa Tuesday.”

Para sa mga hindi pa masyadong aware, ang nasabing proyekto ay magtatagal sa loob ng anim na buwan para sa tatlong libong pamilya na may buwanang kita na P8,000 pababa.

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga ‘nasipa’ nang maki-fiesta sa Tondo

Sinabi rin ng DSWD na pag-aaralan nila ang magiging resulta sa isasagawang pilot run sa loob ng isa hanggang dalawang buwan bago nila palawakin ang nasabing programa.

Sakaling magtagumpay raw ang pilot run ng “food stamp program” ay magdadagdag sila ng 300,000 na pamilya kada buwan.

Noong Mayo, nauna nang sinabi ni Gatchalian na ang target nila para sa pilot implementation ay isolated regions or provinces, urban poor settings, calamity-stricken areas, at rural poor settings na kung saan ay kabilang na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang naturang programa ay pinondohan sa pamamagitan ng $3 million grant o higit-kumulang na P163 million mula sa Asian Development Bank at sa World Food Programme.

Related Chika:

5 veteran actress nasa ‘Living Legends’ commemorative stamp na ng PHLPost

Read more...