Elisse, Loisa, Charlie, Alexa sinagot kung naranasan na nilang magparetoke, may kanya-kanyang paraan para mas maging confident

Elisse, Loisa, Charlie, Alexa sinagot kung naranasan na nilang magparetoke, may kanya-kanyang paraan para mas maging confident

Elisse Joson, Charlie Dizon, Loisa Andalio at Alexa Ilacad (Photo from Kapamilya Online World)

ISA-ISANG sumagot ang apat na lead stars ng pinakabagong drama series na “Pira-Pirasong Paraiso” sa tanong kung may ipinaretoke na sila sa kanilang katawan.

Present sa grand mediacon ng nasabing teleserye ang apat na Kapamilya actress na sina Elisse Joson, Charlie DIzon, Loisa Andalio at Alexa Ilacad. Ang “Pira-Pirasong Paraiso” ay unang collaboration ng ABS-CBN Entertainment at TV5.

Iikot ang kwento nito sa mga magkakapatid na pinaghiwalay at inabandona ng kanilang sariling pamilya noong sila ay bata pa lamang. Magiging tanging misyon ng panganay na si Diana (Charlie) na hanapin ang dalawa pa niyang kapatid na sina Amy at Beth para magkasama sila muli. Ngunit mananaig ang sakim at paghihiganti sa kanilang mga puso at malilihis sila sa katotohanan tungkol sa tunay nilang pagkatao.


Sa naganap na presscon ng programa nitong nagdaang Huwebes, July 13, sinagot ng apat na bida ang question kung may pinabago o ipina-enhance na sila sa kanilang itsura upang mag-swak sa ginagampanan nilang mga karakter sa TV at pelikula.

“Ako wala talaga, sobrang natural. Ang ginawa ko rin talaga nag-diet ako. Nu’ng first day namin ang laki ko talaga sa screen so after nu’n, nag-diet ako. Wala namang masyadong effort effort.

“Yung mas binasa talaga namin yung script. Kasi wala naman sa itsura yun, ang mahalaga kung paano mo ipo-portray yung character mo.

Baka Bet Mo: Aktor dalawang beses tinanggihan ng mga kaparehang aktres, ano kaya ang problema?

“Meron kaming wardrobe sa taping, meron kaming makeup artists na sila yung gumagawa ng look namin para magkaiba,” sagot ni Loisa.

Para naman kay Elisse, “I think each one of us kasi, and lahat naman ng babae, marami ang insecurities niyan especially while growing up and in the teenage years.

“And since pinasok namin yung showbiz industry, talagang the tiniest detail physically mapi-pinpoint sa bawat isa.

“So I think bilang artista, or ako personally, I’ll just answer for myself, meron talagang maintenance na tinatawag ang bawat artista na ang hirap naman din isa-isahin kung ano ang kailangan namin kasi nga insecurity namin yun,” paliwanag pa ng partner ni McCoy de Leon.


Dagdag pa niya, “So we know for ourselves na meron kaming ginawang maintenance or help para ma-achieve the confidence that we want to achieve. So nasa sa amin na lang yun kung ano yung meron.

“For me it’s normal kung ano man yung gusto mo i-achieve sa sarili mo and ang answer ko sa sarili ko is I have maintenance for myself na as a babae and as an artista ginagawa ko rin,” sey pa ni Elisse.

Sabi naman ni Charlie, “Siguro sa dami ng technology ngayon, nandiyan na yung mga machine, totoo na nagpapa-maintain kami.

“Tulad ngayon na sinasabihan ako na tumataba ako ng wardrobe so minsan nagda-diet talaga ako and sinisipagan ko talaga pumunta,” aniya pa.

Sabi naman ni Alexa, “I really work hard everyday to be more fit. Especially for this role. Hindi naman retoke but I wanted to lose weight.

“I wanted to have a different kind of physique for this role. Paraiso siya kasi I’m really loving this healthier lifestyle. Having four girls (sa serye), I think representation matters.

“We have different kinds of beauty and that’s being accepted and supported by Dreamscape and our creatives that it’s really nice to be different from each other.

“So that’s why kung si Loisa may ina-achieve siya for herself, that’s for her character and ganu’n din naman sila Elisse. Kaya kahit sa pananamit namin, we try to give different vibes,” katwiran ni Alexa.

Kasama rin sa “Pira-pirasong Paraiso” sina Ronnie Alonte, KD Estrada, Sunshine Dizon, Epy Quizon, Art Acuña, Markus Paterson, Snooky Serna, Argel Saycon at marami pang iba.

Ito’y mula sa direksyon ni Raymund Ocampo under Dreamscape Entertainement at mapapanood na sa mga ABS-CBN at TV5 simula sa Lunes, July 24, 3 p.m. at tuwing Sabado, 2:30 sa iba pang Kapamilya platforms.

Paolo Paraiso tinamaan ng COVID-19: I’m okay now, tuloy ang laban!

Ronnie: Wala na kaming paki ni Loisa sa sinasabi ng ibang tao sa amin, basta masaya kaming dalawa

Read more...