Sharon ibinandera ang tunay na ugali ni Alden, blessing daw sa kanyang buhay: ‘He is really so sweet and mabait’

Sharon ibinandera ang tunay na ugali ni Alden, blessing daw sa kanyang buhay: 'He is really so sweet and mabait'

Alden Richards at Sharon Cuneta

HINDI napigilan ni Megastar Sharon Cuneta ang ibandera sa buong universe ang ginawa ni Alden Richards nang biglang sumama ang kanyang pakiramdam.

Kinailangang magpahinga muna ng actress-singer at movie icon matapos makaramdam ng panghihina ng katawan after ng ilang araw na shooting nila nila para sa pelikulang “A Mother And A Son’s Story“.

Sa kanyang Instagram account, proud na ibinahagi ni Mega ang palitan nila ng mensahe ng kanyang “bagong” anak na si Alden na sobrang nag-alala nang malamang masama ang kanyang pakiramdam.


Ayon kay Sharon, humingi muna siya ng pahintulot sa Kapuso matinee idol bago ipinost sa kanyang IG page ang naging convo nila aktor. Aniya, feel na feel niya ang sincerity ni Alden sa ipinaramdam nitong pagmamalasakit sa kanya.

“Been resting and now hoping to see my doc tomorrow,” ang bahagi ng caption ni Ate Shawie sa kanyang IG post kung  saan makikita nga ang screenshot ng message sa kanya ni Alden.

“He is really so sweet and mabait. What a blessing my Alden is to me and all of us on our set!” sabi pa ni Mega na kahit masama ang pakiramdam ay pumunta pa rin sa shooting ng “A Mother and Son’s Story.”

Baka Bet Mo: Maja ninerbiyos sa unang araw sa EB: Pero ang sarap sa pakiramdam na ka-Dabarkads na ‘ko!

“I went to shooting the other day even if I woke up not feeling well, but after one scene with @jackielou.blanco and lunch, umuwi na ako kasi she and Direk Nuel (Naval) didn’t want me na to push it at halos sign language na kami noon!

“I miss shooting and my A Mother and Son’s Story family so much!” sey pa ni Sharon.


Isa sa mga official entry sa 2023 Metro Manila Film Festival ang “A Mother and Son’s Story” na magsisimula sa December 25. Kasama rin sa pelikula sina Miles Ocampo, Tonton Gutierrez, at Jackie Lou Blanco.

Nauna rito, sinabi ni Sharon na parang tunay na anak na talaga ang turing niya kay Alden kahit sa maiksing panahon pa lamang ng kanilang pagsasama.

Ayon naman kay Alden, mabilis talaga silang naging close ni Sharon, sa katunayan birth certificate na lang daw ang kulang para tuluyan na silang maging magnanay.

Maureen nawala ang pagkapraning sa COVID-19; Kuya Kim feel na feel ang pagiging Kapuso

Coco, Julia umaming matagal nang magdyowa: ‘Napakasarap ng pakiramdam dahil 12 years na kaming magkasama’

Read more...