Alden Richards umaming naging mayabang nang sumikat, hindi pa keri ang komportableng buhay

Alden Richards umaming naging mayabang nang sumikat, hindi pa keri ang komportableng buhay

PHOTO: Instagram/@aldenrichards02

INAMIN ng Kapuso hunk na si Alden Richards na naging mayabang siya noong nagsisimula pa lang siyang sumikat sa kanyang showbiz career.

Ang rebelasyon na ‘yan ay sinabi mismo ng aktor matapos makapanayam ng binansagang King of Talk na si Boy Abunda sa programang “Fast Talk.” 

Tanong sa kanya ni Tito Boy, “Let’s talk about fame, hindi ka ba yumabang?”

Mabilis na sagot ni Alden, “I would be a hypocrite Tito Boy if I’ve said no.”

“At one point of course, lahat po tayo nae-experience ‘yan. Siguro po during the first part of my career,” paliwanag niya.

Biglang follow-up question ng TV host, “Paano mo tinapik ang sarili mo na, ‘Hey! This is not permanent’.”

Ayon kay Alden, na-realize niyang mali na ang kanyang ina-attitude nang maapektuhan na rin pati ang mga malalapit na tao sa kanya.

Kwento ng aktor, “‘Nung na-realize ko po ‘yun Tito Boy, pati ‘yung malalapit sakin ay naaapektuhan na.”

Baka Bet Mo: Knows n’yo ba kung magkano ang unang sweldo ni Alden Richards sa GMA?

“Parang these people, sila dapat ‘yung huling magrereklamo sayo. And then parang it hit me na baka nga ganun nga,” sey pa niya.

Kasunod niyan ay inusisa siya ni Tito Boy pagdating sa kanyang kayamanan at kung kaya na ba niyang mabuhay na komportable sakaling alisan na niya ang kanyang trabaho.

Pagtatapat ni Alden, hindi pa dahil ang malaking bahagi ng kanyang kinikita ay nanggagaling pa rin sa pagiging artista niya.

“No. Hindi po,” sey ng aktor.

Saad pa niya, “There’s this wise man who once told me that, ‘Never kill the goose that lays the golden egg,’ and right now po that’s my career.”

“Huge chunk of my income still comes from my job as an actor, as an artist,” dagdag niya.

Aniya pa, “Mahal ko po ang trabaho ko, hindi pa po nawawala ‘yung passion ko sa kanya [sa pag-arte].”

Related Chika:

Willie winawasak ng mga taong natulungan noon: ‘May binigyan ako ng condo at kotse, ngayon tinawag pa akong mayabang’

Read more...