HINDI inakala ng Kapamilya actress na si Maymay Entrata na magagawa niyang magtanghal sa 1MX Music Festival sa London.
‘Yan ang inihayag mismo ng aktres sa kanyang social media post.
Kasabay din niyan ay inalala niya ang kanyang mga hirap na pinagdaanan upang maging isang certified singer.
Ayon sa kanya, hindi naging madali ang kanyang journey pagdating sa singing career.
Naikuwento pa niya na ang debut single niya na “Amakabogera” ang nagtulak sa kanya upang lalo pang matutong kumanta.
“My first ever 1MX experience.. I never thought I’ll be part of this event po talaga.. I wasn’t born na kumakanta na.. but 2 yrs ago dahil sa ‘amakabogera’ I challenged myself to learn how to sing,” caption niya sa Instagram post.
Kwento niya, “It wasn’t an easy journey kasi I started from scratch po.. piyok doon, piyok dito, kulang nalang kaboses ko na po si squeaky duck [laughing face emoji].”
“I had many doubts and felt like giving up, but God gave me the confidence to keep going and focus on my craft, allowing me to grow as an artist,” wika pa niya.
Baka Bet Mo: Maymay: Kahit ano’ng gawin mo na maging mabait at perpekto lagi silang may masasabing mali
Nangako rin si Maymay na kahit patuloy pa rin niyang pinag-aaralan ang pagiging singer ay lagi niyang gagawin ang lahat ng kanyang makakaya.
Sey niya, “Hindi man perpekto, pero I am grateful kasi alam ko I am a work in progress at patuloy akong matuto upang maibigay ang best ko para sa mga taong naniniwala sa akin.”
Payo pa niya sa madlang pipol, “For those who want to develop their skills and talent, never give up.”
“Patuloy niyong buksan ang inyong sarili para matuto at maging magaling sa mga bagay na gusto nyong gawin,” aniya.
Sa huli ay nagpasalamat siya sa naturang music festival dahil sa magandang experience at oportunidad na ibinigay sa kanya.
“Thank you, @1mxmusicfest for the experience and the opportunity to discover what I can do best,” mensahe ni Maymay.
Ibinunyag din ng actress-singer na hindi pa natatapos sa London ang kanyang pagtatanghal dahil ang kasunod nito ay gaganapin sa Australia.
Sambit niya sa caption, “Also thank you 1MX london kapamilya, See you 1MX australia [white heart emoji].”
Kung maaalala, nauna nang sinabi ni Maymay sa isang vlog na mas tinututukan na niya ngayon ang paggawa ng kanta at ang pagiging singer.
“‘Yun na ‘yung priority ko talaga, pero hindi ko pa rin iniiwan ang acting ko,” saad niya.
Inamin din ng aktres na hindi na siya masyadong komportable sa pag-arte dahil ilang taon na siyang hindi sumasabak sa pelikula.
Related Chika: