Pura Luka Vega nanindigan sa drag performance: They shouldn’t tell me how I practice my faith

Pura Luka Vega nanindigan sa drag performance: They shouldn't tell me how I practice my faith

NANINDIGAN ang drag queen na si Pura Luka Vega sa kanyang viral “Ama Namin” drag performance sa kabila ng samu’t saring komento at pahayag ng madlang pipol at ilang mga government officials ukol rito.

Sa kanyang Twitter page ay ibinahagi niya ang kanyang sentimiyento ukol sa kinakaharap na kontrobersiya.

“I understand that people call my performance blasphemous, offensive or regrettable. However, they shouldn’t tell me how I practice my faith or how I do my drag,” saad ni Luka.

Aniya, ang ginawa niyang drag performance ay hindi naman ginawa para sa mga taong bumabatikos rito.

“That performance was not for you to begin with. It is my experience and my expression, of having been denied my rights,” dagdag pa ni Luka.

Matatandaang isa sa mga pinakamainit na pinag-uusapan ngayon sa online world at umabot na nga rin mula sa ibang mga pulitiko at miyembro ng religious groups ang kanyang video kung saan makikita siyang nakabihis bilang si Hesus habang kumakanta at sumasayaw siya sa remix version ng “Ama Namin”.

Baka Bet Mo: ‘Ama Namin’ drag performance ni Pura Luka Vega umani ng batikos mula sa madlang pipol

Matapos niya itong i-upload sa kanyang Twitter account na may caption na “Thank you for coming to church!” ay agad itong nag-viral.

May mga nagsabing offensive ang ginawa ni Luka dahil “pambabastos” raw ito sa mga Katoliko habang ang iba naman ay sinasabing isa itong “expression of art” bilang drag queen.

Samantala, sa isa pang tweet ay sinabi ni Luka na “Everyone has the right to freedom of thought, conscience and religion.”

Sa kabila naman ng mga komentong natatanggap niya ay sinabi niyang hindi niya ihihingi ng tawad sa mga tao ang kanyang ginawa.

“I get it when people think that I’m too much but I will not apologize. I’m sorry, it is something I truly [and] firmly believe in. I don’t think that my artistry needs to have an explanation just to cater whatever request people may have but I do listen,” pagpapaliwanag ni Luka.

Related Chika:
Pari sa Cebu nagsayaw ng ‘Ting Ting Tang Ting’ sa simbang gabi, netizen napataas ang kilay

Drag queens mula sa Baguio na nabiktima ng scam todo-pasalamat kay Rabiya: May pa-condo na, may palafang pa

Read more...