Gab Chee Kee may ‘last’ chemotherapy pa, sey ni Chito: Parang everything is going back to normal

Gab Chee Kee may ‘last’ chemotherapy pa, sey ni Chito: Parang everything is going back to normal

PHOTO: Instagram/@chitomirandajr

MASAYANG ibinalita ni Chito Miranda, ang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar, na unti-unti nang bumabalik sa normal ang buhay ng kanyang ka-banda at gitarista na si Gab Chee Kee.

‘Yan ang naging update mismo ni Chito sa kanyang childhood friend matapos kamustahin ng binansagang King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang programang “Fast Talk.”

Kung maaalala, noong nakaraang Enero ay nasa Intensive Care Unit (ICU) si Gab dahil sa komplikasyon ng kanyang sakit na “lymphoma,” isang kanser ng lymphatic system.

Ilang beses pa ngang nanawagan si Chito ng pinansyal na tulong dahil hindi na kinakaya ng pamilya ni Gab ang mga gastusin sa ospital.

Baka Bet Mo: Gab Chee Kee muling naka-jam ang Parokya ni Edgar matapos maospital dahil sa lymphoma, hirit ni Chito Miranda: ‘Nakakakilabot!’

Kaugnay niyan ay nagsagawa pa nga sila ng ilang serye ng benefit concerts at nagpa-auction ng ilang mahahalagang items.

Anyway, ibinalita ni Chito kay Tito Boy na may huling chemotherapy nalang si Gab na gagawin next month.

Masaya, aniya, ang bokalista dahil bumuhos ang tulong para sa ka-banda na siyang naging dahilan upang ito ay tuluyang gumaling.

“Good news talaga na nasa parang last session na siya ng chemotherapy at the next month and after that, parang –ayaw ko pa magsalita ng patapos, pero parang everything is going back to normal,” sey ng singer.

Dagdag niya, “So I’m really, really excited about that and I’m also very thankful sa lahat ng mga tumulong kay Gab. Sobrang laking tulong talaga and I really appreciated it.”

Kwento pa niya, “Me and my bandmates are really ano –we didn’t see it as a heroic effort because it was just so normal for us to do that.”

“Parang ganun kasi I’m sure that they will do the same for me or anyone na siyempre childhood friends,” aniya pa.

Sambit pa ni Chito, “High school kami nag-start [ng banda] in 1990, pero were already together as young as prep.”

Magugunita noong March 10 ay masayang ibinalita ni Chito na nakauwi na si Gab matapos ang pagkaka-confine sa ospital.

“After 2 months in the hospital due to pneumonia (more than a month dun, intubated sa ICU), and after several major and minor operations dealing with complications brought about by his condition, sa wakas…pina-uwi na si Gab sa bahay nila,” pagbabahagi ni Chito sa social media.

Read more...