NAGHAIN ng reklamong copyright infringement and unfair competition sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon na mas kilala bilang TVJ laban sa TAPE Inc at GMA Network noong Biyernes, June 30.
Kasama rin ng trio sa paghahain ng reklamo si Jeny Ferre, ang dating vice president for production ng TAPE Inc na kasama nilang umalis sa naturang production company.
Ang reklamong ito ay kaugnay ng pagpapalabas ng TAPE ng mga replay episodes nito sa GMA nang walang pahintulot sa TVJ noong mga panahong nagbitiw sila sa naturang produksyon.
Bukod pa rito, kinuwestiyon rin nila ang patuloy na paggamit ng dating produksyon na kinabibilangan ng titulong “Eat Bulaga”.
Kahapon, July 13, natanggap na TAPE Inc at ng GMA Network summons na mula sa Branch 273 ng Marikina Regional Trial Court kung saan naghain ng reklamo ang TVJ.
Kinakailangang mag-file ng response ng mga partidong inirereklamo sa loob ng 30 days.
Baka Bet Mo: Sharon sumama ang loob dahil sa nangyari sa TVJ at TAPE Inc.: ‘Dapat inalagaan kayo, you didn’t deserve that’
“If you fail to answer within the time fixed, the court, on motion of the plaintiffs, or motu proprio, render judgement as may be warranted by the allegations in the complaint, as well as the affidavits and other evidence on record,” bahagi ng nilalaman ng summon.
Matatandaang May 31 noong nagdesisyon ang TVJ na magbitiw sa TAPE dahil sa mga bagay na hindi nila mapagkasunduan.
“Simula ngayong araw, May 31, 2023, kami po ay magpapaalam na sa TAPE, Incorporated. Karangalan po namin na kami’y nakapaghatid ng tuwa’t saya mula Batanes hanggang Jolo at naging bahagi ng buhay ninyo.
“Maraming, maraming salamat sa inyong lahat, hanggang sa muli. Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa,” saad ni Vic.
Kinabukasan matapos ang pamamaalam ng TVJ ay sumunod na ring nagbitiw ang iba pang Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Alan K, Ryzza Mae Dizon, at Ryan Agoncillo.
Sa ngayon ay nakatagpo ang mga ito ng bagong tahanan sa Kapatid network at umere ang kanilang pilot episode ng noontime show nilang “E.A.T.” noong Sabado, July 1.
Related Chika:
TVJ nagkaiyakan sa presscon ng paglipat nila sa TV5; Vic hindi papayag na basta na lang kunin ang ‘Eat Bulaga’ ng kung sinu-sino lang