Anne tinuturuang mag-Tagalog si Dahlia, marunong nang makipag-usap: ‘Tao na siya, kung paano siya mag-express ng feelings niya’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Anne Curtis at Dahlia Heussaff
HANGGANG ngayon ay parang hindi pa rin makapaniwala ang Kapamilya actress-TV host na si Anne Curtis na unti-unti nang lumalaki at nagkakaisip ang anak na si Dahlia Amelie.
In fairness, isa sa mga nagsisilbing pampa-good vibes ng kanyang social media followers ang ipino-post niyang mga super cute pictures at video ng panganay na anak nila ni Erwan Heussaff.
Sey ni Anne, naa-amaze siya sa mga paandar na ginagawa ngayon ni Dahlia, lalo pa’t nakapagsasalita na raw ito ngayon at marunong nang makipag-usap sa kanila ni Erwan pati na sa ibang tao.
“The conversations that we have, iba na ‘yung…tao na siya, kung paano siya mag-express ng feelings niya,” pahayag ng TV host-actress sa panayam sa kanya ng morning show ng GMA 7 na “Unang Hirit.”
“Each of those moments, napapa-wow talaga ako. Like, I made this. Tapos alam mo ‘yun, parang, I made this little human being” aniya pa.
Ngayon pa lang daw ay tinuturuan na ni Anne ang anak na magsalita ng Tagalog para kapag lumaki na siya ay kering-keri niyang makipag-communicate kahit kanino.
“As much as possible, we try to speak as much Tagalog as we can kasi ang gusto ko, siya talaga ‘yung fluent sa amin mag-Tagalog sa amin,” sey ng aktres.
Todo naman ang pasasalamat ni Anne sa lahat ng mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya mula noong magsimula siya bilang teen star hanggang ngayong isa na siyang working mom.
“I’m just showing who I really am and I’m just very grateful na ang aking mga supporters, they still accept me for who I am.
“Hindi naman nila ko nakikita araw-araw sa TV I try to come in as often, but they understand that I also have mommy duties,” sabi pa ni Anne Curtis.
Samantala, nagsalita rin si Anne tungkol sa pagpapalabas ng “It’s Showtime” sa GTV channel na pag-aari ng GMA 7, “I think nu’ng panahon na ‘yun mixed emotions talaga siya.
“We were scared, we were sad, we were curious, and then we became excited, and then we became happy, and grateful–it was a roller coaster of emotions talaga during that period.
“I think what makes Showtime work is that our main goal was to make the madlang people happy. Along that journey we were able to form a family that shared that same goal. I think that’s what works,” sabi pa ni Anne.
Inalala rin niya na bago siya naging Kapamilya ay nagtrabaho muna siya sa GMA. Ilan sa mga naging show niya bilang Kapuso ay ang “T.G.I.S.”, “Anna Karenina” at “Nuts Entertainment.”
“My first ever teleserye was on GMA, my first ever comedy show, my first dancing experience, pat singing experience. Maraming mga firsts…T.G.I.S. Anna Karenina, Nuts Entertainment,” sey pa ni Anne.