Pagpapalabas ng ‘Barbie’ sa Pinas aprubado na ng MTRCB

MTRCB aprubado na ang pagpapalabas ng 'Barbie' sa Pinas
APRUBRADO na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pagpapalabas ng pelikulang “Barbie” sa mga sinehan sa Pilipinas.

Matatandaang kasunod ng pagpapa-ban ng bansang Vietnam sa naturang pelikula dahil sa pagpapakita nito ng kontrobersyal na nine-dash line ay marami rin sa mga senador ang nagbigay ng opinyon kung dapat nga bang ipalabas o hindi ang international movie sa bansa.

Ayon sa statement na inilabas ngayong araw ng MTRCB, matapos ang ilang deliberasyon na kanilang ginawa ay inaaprubahan na nito ang pagpapalabas ng “Barbie”.

“Having conducted two review sessions, thorough deliberations, and consultations with relevant government agencies, including a legal expert on the West Philippine Sea, the Movie and Television Review and Classification Board (MIRCB has given the film “Barbie” a Parental Guidance (“PG*’) rating, which means viewers below thirteen (13) years old must be accompanied by a parent or supervising adult,” lahad ng ahensya.

Saad pa ng MTRCB, “Considering the context by which the cartoonish map of the character ‘Weird Barbie’ was portraved in the film, the Review Committee is convinced that the contentious scene does not depict the ‘nine-dash line’.”

Baka Bet Mo: ‘Barbie’ under review na sa MTRCB kasunod ng pagba-ban sa Vietnam

Ayon pa sa ahensya, ang naturang mapa raw ay nagpapakita ng ruta ni Barbie galing Barbie Land papuntang real world na isang mahalagang parte ng istorya.

“Rest assured that the Board has exhausted all possible resources in arriving at this decision as we have not hesitated in the past to sanction filmmakers/ producers/ distributors for exhibiting the fictitious ‘nine-dash line’ in their materials,” sey pa ng MTRCB.

Nagbabala naman ang ahensya sa mga filmmakers, producers at distributors sa magpapakita ng kontrobersyal na “nine-dash line”.

“The Board sternly warns all filmmakers, producers, and distributors that it will not hesitate to sanction and/or ban films that exhibit the “nine-dash line” for being contrary to law, pursuant to Section 3(c)(d) of Presidential Decree No. 1986, the Republic Act No. 9522, otherwise known as the Philippine Baselines Law, and the Permanent Court of Arbitration’s South China Sea Arbitration Award, whose anniversary we, as a nation, are celebrating today,” giit pa ng MTRCB.

Mapapanood ang international movie na “Barbie” na pinagbibidahan ni Margot Robbie sa direksyon ni Greta Gerwig ngayong darating na July 19.

Related Chika:
Francis Tolentino nais ipa-ban sa Pilipinas ang ‘Barbie’, Risa Hontiveros may pakiusap sa mga sinehan

Rufa Mae ka-join daw sa Hollywood movie na ‘Barbie’ nina Ryan Gosling at Margot Robbie: ‘Joke, joke, joke!’

Read more...