Aljur Abrenica tanggap na tanggap na ng pamilya ni AJ Raval; hindi pa rin umaamin kung totoong may anak na

Aljur Abrenica tanggap na tanggap na ng pamilya ni AJ Raval, hindi pa rin umaamin kung totoong may anak na

Aljur Abrenica, Jeric Raval, AJ Raval kasama ang mga kapatid at iba pang Kapamilya

MUKHANG tanggap na tanggap na ng pamilya ng sexy star na si AJ Raval ang kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica.

Pinusuan at ni-like ng mga netizens ang family photo na ipinost mismo ni AJ sa kanyang Facebook account kung saan makikita rin ang dyowa niyang si Aljur.

In fairness, tahimik ngayon ang relasyon nina AJ at Aljur dahil wala ng masyadong tsismis at intriga tungkol sa kanila. Hindi na rin sila masyadong nanenega sa social media.

Sa katunayan, maraming natuwa sa pakikipag-bonding ni Aljur sa mga kapamilya ni AJ. Patunay lamang ito na going string at solid na solid pa rin ang kanilang relationship.

Sa Facebook post nga ni AJ last July 9, makikita ang picture niya kasama ang amang action star na si Jeric Raval at ang kanyang mga kapatid. Sa bandang dulo naman ng litrato ay makikita si Aljur.


Walang isinulat na caption si AJ sa kanyang FB post kaya kanya-kanyang hula ang mga netizens kung saan ito kinunan at kung ano ang okasyon.

Ilang FB followers ni AJ ang nagkakaisa sa pagsasabing mahilig pala si Aljur sa mga anak ng action star. Ang huling nakarelasyon ng hunk actor bago naging sila ni AJ ay ang kanyang estranged wife na si Kylie Padilla na anak din ng action star na si Sen. Robin Padilla.

Narito ang ilang comments ng netizens sa family photo ni AJ Raval.

Baka Bet Mo: Jinkee kay Pacman: Win or lose you are forever the champion of our hearts, I’m proud to be your wife!

“Idol na idol ko pa namn si Aljur Abrenica kaya lng naging duwag sya na ipaglaban pamilya nya sana kaht ung anak nlng nila ung inisip nya kaysa mga sarili nila sa isng relasyon dilng sarili nyo isinasaalang alang dat ksama narin mga anak lalo na kung pamilyado kana.”

“Pareng aljur, inisa isa mo ata mga anak ng action star ahahaha.”

“Ang hilig ni Aljur sa biyenan na action star ha HAHAHAHA.”


“Aljur lng sakalam. Tirador ng anak ng mga action star!. Solid. Grace Poe kabahan kana!”

“Dati Aljur idol na idol kita. Hanggang ngayun parin naman. Pero dina masyado. Sana wag mo gayahin yung ibang artista na hate na hate ng marami.. na parang damit lang magpalit ng partner! Please!! Kung si Aj na. Siya nalang talaga.”

“Pag anak ni Da Boy n c mark anthony fernandez nakuha nya matibay n talaga. Sya n talaga ang tirador ng anak ng mga action star. Sure may kalalagyan sya kay mark.”

“Kami nagtake ng pic nila na yan! Hehehe. Kilig much! Sobrang bait ng magtatay AJ Raval and Jeric  sobrang down to earth lalo na si Papa Jeric! ”

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sina AJ at Aljur tungkol sa chikang meron na silang anak matapos kumalat ang balita noon na nagdadalantao raw si AJ.

Alden kay Jasmine: Sabi ko, ang sarap namang makasama nito bilang partner…dream come true

Bianca ipinagsigawan ang feelings kay Ruru sa mall show: Ang talagang may-ari ng puso ko at ang nag-iisang lalaki sa buhay ko!

Read more...