Ogie, Regine nag-date sa ospital, payo sa mga tulad nilang ‘pa-senior’ na: ‘Ugaliin po nating gawin ang pagpagpa-medical’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Regine Velasquez, Ogie Alcasid at ang mga doktor at nurse na nagsagawa ng kanilang executive checkup
NAGBIGAY ng advice ang celebrity couple na sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa lahat ng mga taong “pa-senior” na katulad nila.
“Nag-date” ang mag-asawa sa isang ospital kamakailan para sa kanilang regular medical check-up na isa sa mga “bonding moment” nila bilang married couple.
Sa kanyang Instagram post, makikita si Ogie at ang Asia’s Songbird na nakahiga sa kani-kanilang hospital bed sa Cardinal Santos Medical Center na kuha matapos ang kanilang executive check-up.
Sa nasabing photo, makikita rin na napapaligiran sila ng kanilang mga doktor at staff na nag-asikaso sa kanila.
“Shoutout to Dr. Peter Sy (gastroenterologist), Dr. Katrina Mejia, Dr. Franz Liangco, Dr Ysaac De Ocampo, Dr Mark Valero and Dr Vengle Lim. Dr Benedict Caballero (anesthesiologist), Enyong Araojo, Martin Cruz and of course our attending doc and kumare Dra. Lilibeth Genuino,” ang bahagi ng caption ni Ogie sa kanyang IG post.
Nagbigay din ang singer-songwriter at TV host ng payo sa mga kapwa nila “pa-senior” na, na palaging magpa-medical check-up upang makasiguro sa maayos at malusog na pangangatawan.
“Sa mga kapwa naming pa-senior na, ugaliin po natin gawin itong pa-medical. Maganda na masiguro nating tayong lahat ay malusog,” paalala ni Ogie.
Hindi rin nakalimutan ng “It’s Showtime” host na magpasalamat kay Lord matapos ang kanilang check-up.
“Salamat po Panginoon. All by his grace. We are good to go!!!” sey ni Ogie.
Marami namang nag-react sa IG post ni Ogie, kabilang na ang ilan sa kanilang mga celebrity friends.
Komento ni Zsa Zsa Padilla, “That’s nice! I also had my executive check up today!”
“Gogogog power couple!” sey naman ng co-host ni Regine sa “Magandang Buhay” na si Melai Cantiveros.
Narito ang iba pang reaksyon ng mga IG followers ni Ogie.
“Ganun nga po sana kaso hindi naman po lahat may kakayahan. Yung karamihan po pang kain na lang instead pang checkup. pero good thing naman po na okay kayo ni ms.reg atleast happy life and good health as always.”
“Sana nga po lahat may access sa annual medical check up.”
“Opo gusto ko din po sanang ipa ganyan mga magulang ko pero wala po kaming pang pa executive check up. stay healthy.”
“Paano naman yong walang pang 1to2 yrs na pang general check up.”
“Tama yan mga idol. Yan parati ang advice ko sa mga friends and relatives ko that we need to do full check up at least 1 or 2 a year, especially if lagpas 45 y/o na. Dami na due hehe… colonoscopy, too, at age 45 and up na, etc. May bago naring prep for colonoscopy and hindi nayung old school, lol. Take good care, and health is wealth. I do mine 2x a year, ehe.”
“Grateful beyond words in assisting them. So kind and lovable. Thanks much for trusting us. Godbless always.”
“Grateful beyond words in assisting them. So kind and lovable. Thanks much for trusting us. Godbless always.”