Boy, Alan, Pia maraming natututunan sa mga nagrereklamo at inirereklamo sa ‘CIA with BA’

Boy, Alan, Pia maraming natututunan sa mga nagrereklamo at inirereklamo sa ‘CIA with BA’

Boy Abunda, Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano

TAOS-PUSONG nagpapasalamat ang hosts ng “CIA with BA” na sina Sen. Alan Peter at Sen. Pia Cayetano at Boy Abunda sa mga tao na dumudulog sa programa para ibahagi ang kanilang mga reklamo at karanasan.

Sa episode nitong Linggo, July 9, pinasalamatan ni Tito Boy ang mga taong nakakasalumuha nila sa kanilang programa.

“Ako, I always learn a lot from our episodes and thank you, thank you for your stories, for your wisdom,” sabi ng award-winning TV host.

“Actually kahit naman kami bilang abogado, natututo pa rin kami — napapa-review pa rin kami,” pagbabahahi ni Sen. Pia.

“The lesson I’ve learned from today actually is, lagi nga nating sinasabi, ‘be prepared,’ ‘di ba? ‘Yung pag-iingat. Laging nasa huli ang pagsisisi kaya we want to prepare you,” dagdag niya matapos dinggin ang reklamo ng mga nabiktima ng “sanla-tira”.

Ang “sanla-tira” ay isang kasunduan kung saan ang nagpapautang ay may karapatang gamitin ang bahay na isinanla ng nangungutang. Sa kasong ito, niloko ng nangungutang ang mga inuutangan.

“Binubulungan ko na si Alan… paano ba kami makakatulong na ma-prepare kayo? Anong klaseng life lesson, financial and legal lessons that we can share?

“Siguro marami pa tayong gagawin to prepare people sa mga kontratang papasukin niyo, sa relationships,” pagpapatuloy ng senadora.

Ibinahagi naman ni Sen. Alan ang kanyang natutunan mula sa naturang episode.

“Ako naman natutunan ko na ‘it’s really good to learn from experience’ pero it’s better to learn from someone else’s experience, lalo kung bad experience siya. Like kung may barkada ka na naloko sa utang and then hindi ka pa natuto do’n, sa ‘yo pa nangyari, do’n ka pa natuto…napakasakit,” sabi niya.

Baka Bet Mo: ‘Ina laban sa anak’: Mga isyu sa relasyon ng pamilya tutugunan ng ‘CIA with BA’

“That’s why sobra tayong nagpapasalamat sa mga nag-a-appear sa show. It’s not easy to come forward and tell people, ‘Alam mo, naloko kami!’

“Especially tayong mga Pilipino, mayabang din tayo do’n e like ‘kami hindi basta maloloko,’ pero ang dami po talagang scam ngayon so I hope, we really thirst for  knowledge and we really look at the experiences of others. Sabi nga, uulit-ulitin ko, ‘prevention is better than cure,’” pagtatapos ni Alan.

Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng legasiya ni Senator Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.

Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Patuloy na panoorin ang “CIA with BA,” kasama sina Alan, Pia, at Boy, tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA.

Gary, Angeli ipinagdiwang ang 37th wedding anniversary; nagpapasalamat na wala pang social media noon

Claudine Barretto thankful kay Dennis sa pagmamahal sa kanyang mga anak

Read more...