Awra ipinagtanggol ng taong malapit sa kanya: ‘Napahiya lang siya sa friends niya kaya uminit ang ulo, sana bigyan pa siya ng chance’

Awra ipinagtanggol ng taong malapit sa kanya: 'Napahiya lang siya sa friends niya kaya uminit ang ulo, sana bigyan pa siya ng chance'

Awra Briguela

TINAWAGAN kami ng taong concerned kay Awra Briguela at nabanggit nitong sobrang bait ng teen star sa mga kaibigan niya kaya gustung-gusto siyang isinasama sa gimikan.

Palibhasa ngayon lang daw nakatikim ng laya si Awra kaya siguro nasabik sa gabi-gabing gimik kasama ang ilang social media influencers at mga friends na hindi taga-showbiz.

“Mahilig silang mag-bar hopping kasi kikitain ang ibang kaibigan na nandoon sa ibang bars tapos magsasama-sama.  Maiingay lang talaga sila kapag naka-shot-shot na.


“Pero hindi naman sila warfreak, natiyempuhan lang talaga nu’ng June 30 kasi nga nagkatuwaan, e, napahiya si Awra sa friends niya kaya uminit ang ulo. Yun lang naman talaga dare-dare lang,” kuwento ng taong concerned sa batang aktor.

Tinanong namin kung ano ba ang sina-shot ng grupo ni Awra, “Tequila kaya ang bilis ng tama.”

Totoo naman ang kuwentong ito ng taong concerned kay Awra dahil kami rin mismo ay saksi kung paano siya uminom ng nasabing brand ng alcohol nang pareho kaming dumalo sa isang party sa sikat na bar and restaurant malapit sa Ortigas at JuliaVargas, Mandaluyong City.

Baka Bet Mo: Awra Briguela super proud bilang working student: Inalagaan talaga ako nina Kuya Coco at Ate Vice

Maraming kasama noon si Awra na kung hindi kami nagkakamali ay mahigit 10 silang lahat na hindi namin kilala at isa lang ang nakilala namin, isang sikat na influencer na mahilig ding gumimik at uminom.

Dagdag pang kuwento ng taong concerned kay Awra, “May mga kaya ang kasama niya kaya hindi naman sila inililibre, patak-patak naman sila.  Nasabik lang talaga kasi nga bata pa at hindi niya natikman dati kasi nga trabaho-bahay siya noon.

“Kaya nu’ng sunud-sunod ang trabaho kailangan niya ng halfway house kaya nagpaalam siya sa tatay niya na doon siya sa unit ni Meme (Vice Ganda) titira.

“Ang totoo pag inaabot na sila ng sikat ng araw at may shooting si Awra kaya sasama na siya sa kaibigan niya para makiligo at diretso location na.


“Masipag siya, magaling makisama kita mo naman walang reklamo sa kanya sa set kasi mahusay at talagang nagwo-work. Pag break time doon siya nakakaidlip. Bata pa kasi kaya okay pa siya sa dalawa o tatlong oras na tulog lang.

“Sana maayos ni Awra ‘yung mga kasong kinakaharap niya ngayon para makabalik siya sa shows niya,” ang sabi pa ng aming kausap.

Awang-awa ang taong concerned sa aktor at nasasaktan siya sa mga namba-bash dito lalo na nu’ng napanood ang CCTV footages na naganap sa loob ng bar.

“Sana mabigyan siya ng chance,” huling sabi sa amin.

Kami rin ay umaasang sana makabalik si Awra sa mga shows niya.

Awra Briguela tinulungan ni Vice Ganda na makalaya, PA ni Ion Perez ang sumundo sa kulungan

Awra Briguela nagsinungaling daw sa tatay, pati tuloy si Vice Ganda nadamay

Read more...