Herlene Budol inakalang big deal at major award ang Miss Congeniality; hindi nakuha nang buo ang premyo sa sinalihang beauty pageant
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Herlene Budol
BINIGYAN ng pa-tribute ng Kapuso actress-beauty queen na si Herlene Budol ang kanyang pinakamamahal na inang si Lhen Timbo.
Sa gitna ng pangnenega at pang-ookray sa kanya ng mga bashers sa social media, pinasalamatan ni Herlene ang kanyang nanay sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta nito sa kanya.
Nag-share ang komedyana sa kanyang Instagram account ng litrato nilang mag-ina kalakip ang makabagbag-damdamin niyang mensahe para sa ina na mula noon hanggang ngayon ay naksubaybay at nakasuporta sa kanya.
Marami ang nakapansin na parang magkapatid lang daw ang magnanay dahil sa kanilang itsura.
Ang caption na inilagay ng Kapuso comedienne sa kanyang post, “Ma, salamat para sa pagmamahal, pag-aalaga at suporta na buong pagmamahal mong ibinigay sa bawat araw ng aking buhay.
“Ikaw at ikaw lang ang kasama ko para maglako at naghahanap ng handler para sumali sa mga Barangayan pageant kahit walang nag papansin sa atin at tumanggap sa atin non,” aniya pa.
Kasunod nito, naichika rin Herlene ang mga nakakalokang karanasan niya sa pagiging kontesera at pagsali sa mga beauty pageant.
Mensahw pa niya sa kanyang nanay, “Pangarap mo maging Beauty Queen ako, pero lagi tayo umuuwi ng Best in swimsuit, Body beautiful, Best flawless at Miss Congeniality na hindi ko pa naiintindihan kung ano ibig sabihin ng Congeniality.
“Akala ko noon big deal ang Congeniality at isang major award at malaking karangalan na yon.
“Nagtatawanan pa tayo non nung nalaman ko friendship pala ang Congeniality, sabi ko pa non, bakit hindi na lang i-diretso sabihing Miss Friendship,” pag-alala pa niya.
“Minsan lang ako na chambahan na ma-putungan ng korona sa Binibining Angono Sining Turismo na hindi ko pa nakuha ng kumpleto ang aking premyo, kaya hindi ko na ipinagpatuloy sa linya ng pageantry.
“Pero sa halip hindi tayo pinalad sa pageant industry ay pinush mo pa rin ako na sumali ng Wowowin and the rest is history,” dagdag pa niya.
Promise pa niya sa ina, “Ma, unti-untiin natin itupad ang pangarap na sinumulan mo para sa akin noon. Utang na loob ko ang buhay ko kung ano mayroon sa akin. Hayaan mo ako bumawi sa pamilya natin ng onti-onti.
“Ma, sana proud ka sa lahat ng achievement at narating ko ngayon sa buhay ko na dati nating pangarap. Pangalawang National Pageant stage na tumungtong ang Hipon Girl mo, @bbpilipinasofficial at @msgrandphilippines. I love you Ma to the moon & back,” ang bahagi pa ng IG post ni Herlene na kilala rin sa tawag na Hipon Girl.
Sa comments section, mas maraming nagsabi na napakaganda rin ng nanay ni Herlene at inakalang magsisteraka lang sila dahil sa itsura nito.
“Diyan nagmana si Herlene sa nanay n’ya matangkad at maganda.”
“Be serious or have focus….. Ur not just pretty but talented have brain….just be serious…..u have us ur solid fans….God bless.”
“Akala ko younger sister mo, sorry!”
“She is pretty like you!”
“Hello herlene… gandara talaga… manang mana… Hi lhen… d k n nagagawi s tindahan q ah… busy b? Daan k nman minsan, d n tayo nkakapgchikahan… hehehe ingat kaung dalawa… God bless.”
“May pinagmanahan. Kala ko ate mo. Your mom is so petty!”
“Your Mama looks so young, thought at first she’s a younger sister of yours, but you both are beautiful.”
“Whoaaaa thought you guys are sister! How young is your mom?”