UMAATIKABONG bakbakan ng mga malalaking artista ang magaganap sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) sa darating na December.
Ngayong araw, ibinandera ng mga organizers ng 49th MMFF ang “First 4 Official entries based on Script” submission.
Maglalaban-laban ang mga pelikula nina Sharon Cuneta, Alden Richards, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Beauty Gonzalez, Derek Ramsay, Matteo Guidicelli at Cristine Reyes.
Narito ang unang apat na official entry sa 2023 MMFF.
Baka Bet Mo: True ba, halaga ng kumpletong OOTD ni Jinkee sa laban ni Pacquiao kontra Ugas umabot sa P2-M?
1. A Mother and Son’s Story — Drama
Sharon Cuneta and Alden Richards
Directed by Nuel Naval
Produced by Cineko Productions, Inc
Mayor Enrico Roque, Mayor Patrick Meneses and Jacky Lim
Scriptwriter — Mel del Rosario
2. (K) Ampon – Horror-Thriller
Beauty Gonzales and Derek Ramsay
Directed by King Palisoc
Produced by Quantum Films
Atty Josabeth Alonso
Scripwriter — Dodo Dayao
3. Penduko – Fantasy Action
Cristine Reyes at Matteo Guidicelli
Directed by Jason Paul Laxamana
Produced by Sari Sari Network
Jane Basas
Scriptwriter – Jason Paul Laxamana
4. Rewind — Romance drama
Dingdong Dantes and Marian Rivera
Directed by Mae Cruz-Alviar
Produced by ABS CBN Film Productions, Inc
Carlo L. Katigbak and Kriz Anthony G. Gazmen
Scriptwriter – Joaquin Enrico C. Santos
Tiyak na naglulundag sa tuwa ang supporters sina Sharon at Alden dahil talagang bumaha ang MMFF FB page sa request nilang isama ang pelikulang “A Mother And Son’s Story.”
Hinahanap naman ng fans ni Nora Aunor ang entry ng Superstar dahil apat pala ang pelikulang pinagbibidahan nito na isinumite ngayong MMFF 2023.
At dahil nagkaroon ng bonggang announcement ang Mentorque Productions para sa “Mallari” movie topbilled by Piolo Pascual ay hinanap din ng loyal fans ng aktor.
Abangan na lang sa Setyembre 29, 2023 ang susunod na anunsyo para sa natitira pang apat for “Finish Films” category.
Congratulations sa Cineko Productions, Quantum Films, Sari Sari Network at ABS CBN Film Productions, Inc. sa pagkakapili sa kanilang mga entry.
Related Chika:
Hidilyn Diaz napili sina Leni Robredo, Manny Pacquiao, MVP bilang principal sponsors sa kasal