Regine Velasquez tanggap na lumipas na ang kasikatan sa music industry, pero…

Regine Velasquez tanggap na lumipas na ang kasikatan sa music industry, pero…

PHOTO: Instagram/@reginevelcasid

MAKALIPAS ang mahigit tatlong dekada sa music industry, inamin ng tinaguriang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na mas maraming singers na ang magagaling sa panahong ito.

Nagkaroon ng interview ang batikang singer sa programang “Tao Po!” kasama ang beauty queen-journalist na si Ganiel Krishnan at napag-usapan nila ang tungkol sa karera ni Regine.

Sinabi mismo ng iconic singer na tanggap na niyang lumipas na ang kanyang panahon sa pagkanta, gayunpaman ay nakakapagpasaya pa rin siya ng maraming tao.

Sambit niya, “I know that it’s no longer my time. But, I’m still here. And I’m still doing what I love to do most, which is performing, singing, and recording, doing ASAP alam mo ‘yun.”

Baka Bet Mo: Regine pinaglihian si Kim: I’m a fan, kaya minsan hindi ko siya kinakausap kasi nai-starstruck ako sa kanya!

“So I’m very glad that I’m still able to do this. But ako naman, parang alam ko naman na meron nang mas magagaling, mas magagaling na ‘yung mga singers ngayon,” dagdag niya.

Nabanggit din niya na bilang marami na siyang napagdaan at naging karanasan sa music career, ito naman ang naging pagkakataon niya upang ipasa ang kanyang mga nalalaman sa mga bagong singer.

“You know lahat ng singers, Those kids in ASAP, kapag humihingi ng advice, talagang I would just really give it to them,” chika ng iconic singer.

Patuloy pa niya, “I’m happy that I’m able to inspire other artists. ‘Yung mapapa-ano ka rin na, ‘oo kaya niya, kaya ko rin! Magpupursige lang ako, magpa-practice lang ako’.”

Tila naging emosyonal naman si Regine nang sabihin niya na, “Parang nasa isip ko, habang may nakikinig sa akin, siguro I’ll keep singing.”

“When you love something, you fight for it. You work so hard to be able to be successful at it and then just one day you decide, ‘I won’t do this anymore’, parang ‘yun ang mahirap gawin,” paliwanag pa niya.

Sa huli ay nagpaabot siya ng mensahe sa lahat ng mga singer at music artists na ipagpatuloy lang ang pagbibigay ng inspirasyon sa madlang pipol.

“God gave you this wonderful talent and you should share it with everyone,” lahad ng Asia’s Songbird.

Aniya pa, “The way I see it now, hindi lang naman tayo basta singer. We entertain people and we inspire people and hopefully inspire other artists also. So that’s how I looked at it now.”

Related Chika:

Lea, Regine, Gary V pasok sa Top 3 ng pinakamagagaling na Filipino Singers, base sa listahan ng isang R&B lifestyle magazine

Vice Ganda nag-sideline bilang P.A. kay Regine, tinilian si Robi: Hindi pwedeng basta-basta yumayakap sa artista ko!

Read more...