Kathryn Bernardo certified TikToker na, may kwelang entry sa nauusong laro: Lato-lato but make it fasyown!

Kathryn Bernardo certified TikToker na, may kwelang entry sa nauusong laro: Lato-lato but make it fasyown!

Kathryn Bernardo

MUKHANG kakasa na sa mga nauusong hamon ng TikTok ang award-winning actress na si Kathryn Bernardo.

Gumawa na rin kasi siya ng sariling TikTok account!

Agad naman itong pinagkaguluhan ng maraming fans at sa kasalukuyan nga ay umaani na siya ng halos 300,000 followers sa nasabing video-sharing app.

Bukod diyan ay nag-trending pa ang kauna-unahang TikTok post ng aktres na kung saan ay ibinandera niya ang kanyang kwelang video habang nakikiuso sa “lato-lato” fever.

Caption pa niya, “Lato-lato but make it fasyown. Hello, TikTok world! [emojis]”

Baka Bet Mo: Kathryn Bernardo ikinumpara ni Dolly de Leon kay Nora Aunor: ‘Walang kaere-ere, sobrang cool na babae’

@bernardokath Lato-lato but make it fasyown. Hello, TikTok world! 👋🏻🤭 #kathvslatolato ♬ original sound – Kath Bernardo

Napa-react naman ang kanyang ina na si Mommy Min at ibinunyag na matagal nang gustong mag-TikTok ni Kathryn.

“Matagal mo na sakin nabanggit na gusto mo mag-TikTok @bernardokath at finally eto na,” Mensahe ni Mommy Min sa kanyang anak.

Ani pa niya, “Nabigla naman ako sa first mo ng lato-lato. [laughing face emoji] Para lang yan ang laro ko nung araw, pero kamay ang gamit ko [random happy face emojis].”

Ang first uploaded TikTok video ng Box Office Queen ay mayroon nang halos 240,000 likes at mahigit 1.5 million views, as of this writing.

Kasunod ng lato-lato video ay kumasa naman sa “Killing Me Softly” challenge si Kathryn kasama ang Pinoy Hollywood actress na si Dolly De Leon.

“#KillingMeSoftlyChallenge with my new beshie, Ms. Dolly de Leon! Very good ang very good girls nyo! [emojis],” wika ng aktres sa TikTok.

Wala pang isang araw ay umaani na ito ng mahigit isang milyong views!

@bernardokath #KillingMeSoftlyChallenge with my new beshie, Ms. Dolly de Leon! Very good ang very good girls nyo! 👯‍♀️ 🤭 #AVeryGoodGirl ♬ original sound – vibey music 🎶 🕺 🪩

Related Chika:

Xian nganga sa lato-lato challenge, Kim iba ang gustong makalaro: ‘Pa mine po…yung naka-black!’

Read more...