ChiKapalaran (July 10-16, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (July 10-16, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!
KUMUSTA naman ang mga ganap natin d’yan, Ka-Bandera? Nakapag-Threads na ba ang lahat? Naka-ticket secured na ba para sa Eras Tour? Naol. Huwag papahuli sa latest at siyempre sa huwag ring kalilimutang basahin ang iyong ChiKapalaran this week!

As always, narito ang inyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay. At dahil kalalabas lang ng “Speak Now” album ni Taylor, sabayan natin yan ng inyong weekly horoscope! Arat na!

ARIES (March 21-April 19)

When dating or kahit nanghaharot, make sure na substance over looks, a? Siyempre iba pa rin ‘yung may mga lalim kausap. Hindi na fling ang kailangan mo. Kung talagang bet mo na ang mag-settle, huwag mag-settle forda sarap onleh, dapat mentally compatible rin kayo lalo na sa usapang politika.

So kung hindi pa nahahanap ang taong ‘yun, tigil tigilan mo muna ang landi. Hilig mo pa naman sa ganyan. Char not char.

Lucky Color: Gold

Lucky Number: 27

Song of the day: Sparks Fly (Taylor’s Version)

TAURUS (April 20-May 20)

Alam naman natin na mahilig sa red flags ang mga Taurus pero mukhang gusto mong maging “top achiever” for today’s month a. May pinapatunayan yarn?

Pero sana maghinay-hinay ka rin. Kahit gaano mo pa kagusto ang habulan portion n’yo ng taong yan, hindi pa rin yan worth the pain. Magmaganda ka rin. Try mong maging favorite color ang green para naman for once ay hindi ka nag-o-overthink. Kaloka yang hobby mo.

Lucky Color: Green

Lucky Number: 9

Song of the Day: Enchanted (Taylor’s Version)

GEMINI (May 21-June 20)

Bakit malungkot ang beshy ko? Kasi forda masokista ang lola mo! Opo. Tama po tayo ng basa. Ang tema ng mga gemini ngayon ay umasa.

Sana sa susunod na harot mo, maging safe space mo na ang presence niya at hindi another bato na ipupukol mo sa ulo mo. Ok ba ‘yun?

Lucky Color: Brown

Lucky Number: 11

Song of the Day: Better Than Revenge (Taylor’s Version)

CANCER (June 21-July 22)

Doon tayo sa taong kayang magbalik at mag-reciprocate ng feelings natin. Hindi naman dahil sa needy tayo pero deserve rin naman nating mahalin sa paraan kung paano tayo magmahal.

Pero right now, yang kausap mo, hindi pa raw yan ang the one sabi ng universe. So take it slow, sagow. Darating rin siya. Nasa US pa raw at may ka-red flag rin. Chos.

Lucky Color: Yellow

Lucky Number: 5

Song of the Day: Dear John (Taylor’s Version)

LEO (July 23-August 22)

Ang pagkakaroon mo ng main character energy ang siyang magpapahamak sa ‘yo. Talagang ayaw mo rin bitawan ang pagiging bibo kid mo, a. Pero infairness to you, nakakalamang ka sa pagkakaroon ng understanding dyowa.

Basta huwag mo na lang rin pairalin yang ugali mo sa tuwing di kayo nagkakaintindihan kasi iyak malala ka talaga pag umalis yan.

Lucky Color: Black

Lucky Number: 12

Song of the Day: Long Live (Taylor’s Version)

VIRGO (August 23-September 22)

Kapag harot, harot lang. Hindi ‘yung haharot with feelings kasi masakit yan lalo na if hindi kayo same page niyang ka-eme mo.

So bago ka pa ma-fall dyan, keep the records straight na agad. Tikiman lang ba o may chance na mag-upgrade to relationship? If BFF premium lang, BFF premium lang. Ok ba tayo dyan?

Lucky Color: White

Lucky Number: 21

Song of the Day: Superman (Taylor’s Version)

LIBRA (September 23-October 22)

It’s time para bitawan ang iyong excess baggage. Hindi nakakaganda ng buhay ang patuloy na pag-alala sa nakaraan. It’s not easy to heal from trauma pero you must also make an effort to heal yourself.

Huwag mong sabihing “it is, what it is”. Hindi mo man ginusto ang traumang nararamdaman mo, responsable ka naman sa paggaling nito. Baby steps, show up for yourself.

Lucky Color: Orange

Lucky Number: 14

Song of the Day: Haunted (Taylor’s Version)

 

Baka Bet Mo: ChiKapalaran (July 3-9, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

SCORPIO (October 23-November 21)

Let’s all welcome, ang mga hopeless romantic nating kaibigan. True to life naman talaga na love is the best feeling in the world dahil it can bring out the best and also the worst in you.

Pero sis, hinay hinay rin sana tayo sa kakabasa ng wattpad. May mga taong kathang isip lang at malayo sa reyalidad ng buhay. Huwag tayong delulu, mars.

Lucky Color: Red

Lucky Number: 8

Song of the Day: Speak Now (Taylor’s Version)

SAGITTARIUS (November 22-December 21)

Pass tayo sa mga taong ayaw tayong maging maligaya o hinahadlangan ang pangarap natin to grow.

Kung sa tingin mo ay hindrance na lang ang kasalukuyang trabaho at it doesn’t bring out the best in you any longer, bitawan mo na. Pero siyempre, dapat may fall back! Huwag aalis nang walang lilipatan. Mahirap mabuhay sa ekonomiyang ito ngayon.

Lucky Color: Violet

Lucky Number: 15

Song of the Day: Last Kiss (Taylor’s Version)

CAPRICORN (December 22-January 19)

Ilang signs pa ba ang kailangan para naman tigilan mo na ang pag-stay dyan sa toxic environment mo? Takot ka bang lumabas sa comfort zone mo?

Huwag mong antayin na masyado ka na nilang na-drain at ang maging pabaon na lang sa ‘yo ay trauma at anxiety. Hindi nakaka-healthy. Draft your resignation letter, print sa office, send sa boss. Move on! Universe got you, mare!

Lucky Color: Gray

Lucky Number: 24

Song of the Day: Back To December (Taylor’s Version)

AQUARIUS (January 20-February 18)

Malayo pa ang Holy week pero in-advance mo na ang pagninilay-nilay. Tulad ng sabi ng sikat na shoe brand, just do it!

Mahirap ang magkaroon ng regrets at what ifs sa buhay. Kung olats, at least you’ve tried. Kung panalo, edi papansit ka naman dyan! Ibandera mo na yan, mars! Gorabels!

Lucky Color: Beige

Lucky Number: 22

Song of the Day: Mine (Taylor’s Version)

PISCES (February 19-March 19)

Sure ka na ba sa desisyon mo, sister? O baka naman nape-pressure ka lang sa environment na ginagalawan mo?

Take the long weekend para makapag-isip isip. Isang malaking commitment yang kakaharapin mo kaya dapat handa ang buong sistema mo at hindi lang dahil iyon ang bulong ng tao sa paligid mo. May oras pa. Pag-isipan mong mabuti.

Lucky Color: Pink

Lucky Number: 19

Song of the Day: Ours (Taylor’s Version)

THIS WEEK BIRTHDAY CELEBRATORS

Happy birthday sa ‘yo, beshy! Kaya for today’s video, subukang magparamdam kay crush. Paniguradong babatiin ka niya ng “Happy Birthday” sabay sabing “Anong handa mo?” Siyempre ito na ang chance mo para sagutin ito ng “Handa na akong maging baby girl mo.”

Basta huwag masyadong aasa na forever na ito. Sad to say, good for one day lang ang landian n’yo kaya galingan mo. Text EXTEND to 8080. Kinmy!

Lucky Color: Blue

Lucky Number: 30

Song of the Day: The Story of Us (Taylor’s Version)

Basta palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.

Mayroon tayong freewill, gamitin natin. Emz.

Iba Pang ChiKapalaran:
ChiKapalaran (June 26-July 2,2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

ChiKapalaran (May 1-7, 2023): Alamin ang inyong horoscope ngayong linggo, Ka-Bandera!

Read more...