MASAYANG ibinandera ng actress-politician na si Aiko Melendez ang academic achievement ng kanyang 16-year-old na anak na si Marthena o Mimi.
Natapos kasi ng kanyang anak ang kursong abogasya sa isang summer school sa Oxford, England.
Sa pamamagitan ng Instagram, ipinasilip ng aktres ang completion ceremony ni Mimi na ginanap sa Somerville College, ang constituent college ng University of Oxford.
Pagbati pa niya sa anak, “Congratulations on graduating! You are an achiever. You make me so proud of being your mother!”
Baka Bet Mo: Payo ni Aiko Melendez sa mga baguhang artista: ‘Be humble…matutong magpasalamat’
“We are all rooting for you, my dear Mimi,” mensahe pa sa IG post.
Sinabi rin ni Aiko na sobrang sulit ng lahat ng paghihirap na ginawa niya sa trabaho.
“Mama’s sleepless and tireless night over taping and shootings is all so worth it,” sey ng aktres.
Patuloy pa niya, “And if Mama AIKO would have to do tons of work just to send you to all the best schools, I would, without a doubt!”
Advise pa ni Aiko sa kanyang anak na huwag magsawang matuto, lalo na’t looking forward daw siyang maabot ni Mimi ang iba pa niyang pangarap sa buhay.
“I can proudly say soon we have a future lawyer in the family. This is just the beginning of beautiful things to come,” proud na sambit ng aktres.
Ani pa niya, “PS! Teary-eyed mama here.”
Napa-comment naman ang ilang kapwa-artista sa post ni Aiko at makikita na masayang-masaya sila sa naabot na milestone ni Mimi.
Komento ni Ogie Diaz, “Congrats, nak @marthenajickain! Alam na ha? Wag singilin ang ninong sa legal fees ha? Hahaha! Love you, nak! Focus lang! [folded hands emojis].”
Sey ni Sylvia Sanchez, “Congrats Mimi nak [kiss emoji] And Congrats din sa mommy sa walang kapaguran para sa anak [clapping hands emojis] love you both [kiss emojis].”
Si Mimi ay anak ni Aiko sa dating model-actor na si Martin Jickain.
Related Chika: