DonBelle sumabak na sa look test, photo shoot para sa bago nilang serye na ‘Can’t Buy Me Love’: ‘We went through immersions na rin’

DonBelle sumabak na sa look test, photo shoot para sa bago nilang serye na 'Can’t Buy Me Love': 'We went through immersions na rin'

Donny Pangilinan at Belle Mariano

SURE na sure kami na ngayon pa lang ay abangers na ang milyun-milyong fans nina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa bago nilang teleserye sa ABS-CBN.

Mismong ang tambalang DonBelle ang nagbalita sa madlang pipol na tuloy na tuloy na ang gagawin nilang TV series na may title na “Can’t Buy Me Love”.

Ito ang masayang ibinalita ng Ultimate New Gen loveteam sa naganap na launching ng Star Magic Catalogue last July 6 kung saan ibinahagi rin nila kung anu-ano ang mga hindi nila malilimutang karanasan bilang Star Magic talent.


Pahayag ni Belle sa ulat ng ABS-CBN, “We’re gonna have a serye titled, Can’t Buy Me Love. This is under the direction of Direk Mae Cruz Alviar.”

Sabi naman ni Donny, “It’s been a while in the works as well. I’m sure a lot of our supporters have been waiting for that, pinapaganda pa nila yung script.

Baka Bet Mo: DonBelle parehong priority ang family; sunud-sunod ang magiging pasabog sa 2023

“Very excited na kami. We went through immersions already, met with Direk Mae, a lot of meetings, preparations,” dagdag pa ng binata.

Chika pa ni Belle, nagkausap at nakipag-bonding na rin siya kay Direk Mae upang  pagmitingan ang gagampanan niyang role sa “Can’t Buy Me Love” na siguradong ikagugulat ng mga DonBelle fans.

Kuwento pa ni Donny, sumabak na rin sila ng kanyang leading lady sa look test pati na sa mga photo shoots na gagamitin sa poster at iba pang promo materials para sa bago nilang teleserye.

Sa ngayon, waiting na lang sila sa pagsisimula ng kanilang shooting.

Samantala, nag-share rin sina Donny at Belle ng mga naging karanasan nila sa Star Magic. Sabi ni Donny, isa sa mga hindi niya malilimutan ay ang mga workshops na ginawa niya noon.


“Kasi diyan nagsisimula lahat, ‘di ba? Yung mga workshops. That’s where you learn a lot of the values that you cherish in the long run, and you meet a lot of people,” sey ng binata.

For Belle naman, favorite niya ang mga kaganapan sa mga out of the country trips nila kasama ang iba pang Star Magic talents dahil talagang kakaiba ang mga nae-experience nila kapag nagpe-perform abroad para sa mga kababayan nating mga OFWs

“Like when we go out of the country, the whole family’s there. It’s just so exciting that you know may mga ka-roommate ako, last year ka-roommate ko nga si AC (Bonifacio).

“You can really see how close we’ve gotten to each other and how we’re really such a family in this management,” pagbabahagi pa ni Belle.

Inimbitahan naman ni Donny ang mga DonBelle fans manood at suportahan  ang concert ni Belle na “Beloved” na magaganap na sa July 22 sa New Frontier Theater.

“Just watch guys, I’m not gonna spoil, but it’s very exciting. Ang masasabi ko lang at mapo-promise ko it’s gonna be an experience for all of you viewers,” aniya pa.

Belle Mariano ‘huli’ ng mga netizens, kasama ng pamilya ni Donny noong New Year

DonBelle parehong priority ang family; sunud-sunod ang magiging pasabog sa 2023

Read more...