Alfred Vargas kay Ate Guy: ‘Superstar talaga siya, ‘yung husay at talento highest level talaga!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Gina Alajar, Nora Aunor, Jaclyn Jose at Alfred Vargas
HINDI pa man ipinalalabas ang unang pelikula nila ni Nora Aunor na “Pieta”, may pinaplano na agad na second movie si Councilor Alfred Vargas para sa nag-iisang Superstar.
Kasama ni Ate Guy at ng actor-public servant sa “Pieta” ang dalawa pang movie icon at award-winning actress na sina Jaclyn Jose at Gina Alajar.
Kuwento ni Konsi Alfred, dahil sa napakaganda at napakabonggang experience niya sa shooting ng “Pieta”, balak na niya uling ipag-produce uli ng pelikula si Nora.
Wala raw siyang naging problema sa paggawa ng “Pieta” lalo na kay Ate Guy, “Maganda at very pleasant ang experience ko bilang producer and actor kay Ate Guy.
“Superstar talaga siya. ‘Yung husay niya at talento, highest level talaga. And she’s very professional. Walang naging any aberya during the whole shoot.
“I’m thinking na nga of doing another project with her next year kung pwede. Ganoon ka-okay,” pagbabahagi pa ni Alfred.
Pagpapatuloy pa ng konsehal, “Mayroon kaming eksena na kaming dalawa lang. Magkaharap. Tahimik lang pero napaka-meaningful at naramdaman ko ang lalim at soulful emotion.
“Dahil ito sa acting ni Ate Guy. Nadala ako. Parang naging loving mother ko talaga siya noong moment na ‘yun sa eksena at ako naman parang long lost son niya talaga.
“It was a magical experience for me as an artist. Suwerte ko naranasan ko ‘yun,” aniya pa.
Kung hindi kami nagkakamali, balak isali nina Alfred ang kanilang pelikula sa Metro Manila Film Festival 2023 sa darating na December.
Samantala, super happy rin si Konsehal Alfred dahil sa naging instant reunion at cast party ng mga co-stars niya sa Kapuso series na “AraBella”.
Naganap ito noong Miyerkules na isinabay na rin sa birthday celebration ng leading lady niyang si Camille Prats.
“Sobrang saya ng ‘AraBella’ reunion namin. It was good to see everyone again after some time. Rito mo makikita na hindi lang kami professionally nagsama para sa isang project, naging parang family talaga kami.
“Na-develop ang ganitong klaseng samahan namin na ito from day 1 sa set. Magaan kasi ang set at nagkakasundo kaming lahat from artists to production staff. Puro tawanan kapag break pero seryoso kapag eksena na.
“Siguro nakatulong din ‘yung success ng show at naging toprating siya. Proud din kami sa producting ginawa namin.
“Tingin ko ‘yung part 2 medyo suntok sa buwan na ‘yan. Pero siyempre who knows ‘di ba? Depende na sa network ‘yan at kay Lord.
“Marami ring nagme-message sa akin ng part 2. Pati We’ll see. Huwag tayong magsara ng pinto. Anything is possible,” pahayag ng District 5 councilor ng Quezon City.
Ipinagdiwang din ni Konsi Alfred ang ika-18 taon ng kanyang Solid Friends na nabuo noong July 4, 2005.
“Ito ‘yung fans club ko ever since. My solid fans established it noong JULY 4, 2005, panahon ng ‘Encantadia.’ They have supported ever since kahit noong baguhan pa lang ako. They believed in me anuman ang panahon. From 20 members noong simula, ngayon 40,000 members na.
“Later on, nag-evolve na rin into a community volunteer organization na siya na tumutulong sa mga nangangailangan.
“May mga yearly projects kami like zumbayan, linis-barangay, youth concert, leadership trainings, medical missions, at marami pang iba.
“Suwerte ako dahil mayroon talaga akong supporters na nandyan para sa akin through my ups and downs in life.
“‘Yung kapatid ko, si Cong PM, member din siya na SOLID FRIENDS. Actually, siya ang pinakaunang solid friend ko since ipinanganak siya. Ha-hahaha!
“Idol niya kasi si kuya niya ever since. Siya ngayon ang official president ng solid friends. Mayroon kaming special anniversary celebration sa SM Novaliches this July 16 to celebrate our anniversary,” sabi ni Alfred.
Tungkol naman sa relasyon niya sa members ng entertainment media, “Para sa akin, family na rin talaga ang mga press friends ko whom I met along the way in my 20++ years in showbiz.
“Through thick and thin talaga nakasama ko kayo. From beginning until now. Grabe senti na ako,” aniya pa.
“I would never be where I am today if it were not for the friends who helped me along the way. Kayo ‘yun. Personal ang relationship ko with most of the press.
“Masarap kasi sila kasama at sasabihin nila sa iyo ang totoo and they will look after you. Marami sa mga adviser ko sa buhay ay mula sa mga writer and journalists.
“For those who know me talaga, alam nila na kung sino ako noong nag-uumpisa ako, I’m still the same Alfred na kilala nila ngayon. Medyo mas nag-mature lang ngayon at hindi ko na kayang mag-coffee table book ulit. Ha-hahahaha!
“I’m not at all perfect pero I always adhere to the lessons and principles my parents taught me,” sabi pa ni Konsi Alfred.