SA edad na 60, natupad ng batikang aktor na si Cesar Montano ang kanyang inaasam-asam na maging isang public safety expert.
Sa social media, proud na ibinandera ng aktor na natapos niya ang kanyang master’s degree sa kursong Public Safety Administration.
Ipinakita pa nga niya ang ilang litrato sa kanyang commencement ceremony habang suot ang kanyang toga at cap.
Ang kanyang graduation ay naganap noong July 6 sa kanyang eskwelahan na Philippine Public Safety College.
“Salute to everyone! Congratulations mates! Master in Public Safety Administration (MPSA) Graduates [at] Philippine Public Safety College,” caption niya sa isang Facebook post.
Sa hiwalay na video post naman ay mapapanood na nakatanggap din ng parangal si Cesar sa kanyang graduation.
Sinabitan siya ng medalya para sa “Best in Policy Paper Award.”
Baka Bet Mo: Cesar laging take 1 sa mga pasabog na eksena sa ‘Maid In Malacañang’; Diego hindi nagpalamon sa ama
Maraming fans naman ang napa-wow sa latest achievement ng aktor at nagpaabot sila ng “congratulatory” messages.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:
“Congratulations! Keep up the amazing work and keep doing your best in life stay safe [red heart emojis].”
“Salute talaga sayo Idol Cesar Montano!!!”
“With award pa, great achievement Cesar. Congrats! [red heart emojis]”
Kung matatandaan, taong 2009 nang magtapos sa kolehiyo ang batikang aktor sa kursong Mass Communication sa Lyceum of the Philippines University.
Related Chika: