Kyla umaming ‘nangungulila’ sa pamilya na nasa Canada na ngayon, pero…

Kyla umaming ‘nangungulila’ sa pamilya na nasa Canada na ngayon, pero…

PHOTO: Instagram/@kylaalvarez

INAMIN ng OPM icon na si Kyla na nakaramdam siya ng pansamantalang pangungulila sa kanyang pamilya matapos silang mag-migrate sa bansang Canada.

Kwento ng singer sa isang exclusive press conference kamakailan lang, hindi niya akalain na maiiwan siyang mag-isa rito sa Pilipinas dahil laging todo-suporta at laging nandyan ang kanyang buong pamilya sa tuwing mayroon siyang show.

“My parents is in Canada, my sister, my brother, they lived there na in Canada,” sambit niya.

Dagdag niya, “That was unexpected for me because they’ve always been my backbone, like support system. I was dependent on them.”

Baka Bet Mo: Kyla, Jay R excited sa reunion concert sa Setyembre: ‘It’s a perfect time to celebrate 20th year as music tandem!’

Kwento pa niya, “‘Yung kuya ko, he would research for the song I can study, he is such a great listener. Siya ang nagturo sa akin kaya ganito ako pagdating when I’m doing my runs.”

“My dad and mom, they’re both singers and they were there from the very beginning, they moved to Canada with my siblings, it was something na I cannot expect ever. Kasi feeling ko magkakasama lang kami forever,” ani pa ng Queen of R&B.

Gayunpaman, nabanggit ng singer na naiintindihan niya naman na may kanya-kanyang buhay at pangarap na nais makamit ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga kapatid.

“And then life happens and you know, we have to leave and you have goals in life. You just have to embrace change so you can grow also,” sey niya.

Patuloy niya, “I can’t be too clingy kasi siyempre they have their own lives and they wanna, you know, better their lives. They are successful there na.” 

“Kasi sobrang close kami ng mga siblings ko and I don’t have a lot of friends. My bestfriends are my siblings. So when they both moved to Canada, parang nakulangan ako ng toes. Parang medyo nahirapan akong mag-adjust,” paliwanag pa niya.

Sabi pa ni Kyla, kahit malayo sa kanyang piling ang mga magulang at kapatid ay nandyan naman daw ang kanyang mag-ama na laging nakasuporta sa kanya.

Ani ng singer, “Pero of course, I’m just happy na I have my husband and my son na talagang super support.”

Kung matatandaan, sikretong ikinasal sina Kyla at ang kanyang mister na si Rich Alvarez noong 2011 at ilang buwan lamang ang nakalipas ay nagpakasal na rin sila sa simbahan.

Taong 2013 naman nang isinilang ni Kyla ang anak nila ni Rich na si Toby.

Related Chika:

Read more...