“HINDI siya nakakalimot magpadala araw-araw ng words of wisdom, lagi niya akong kinukumusta kahit hindi ako nakakasagot pero nababasa ko ang messages niya,” ito ang papuri ni Ara Mina sa nagbabalik sa showbiz na si Deborah Sun.
Nasulat na namin dito sa BANDERA na pitong taon nang nakatira si Deborah sa condo unit ni Ara kasama ang mga anak na binibigyan ng huli ng monthly supplies of groceries, bigas, at may kasama pang cash panggastos.
Isa ito sa natanong kay Ara sa media launch ng bago niyang magazine show na “Magandang ARAw” na mapapanood na sa Hulyo 15, Sabado sa ganap na 3-4 PM sa NET 25.
Marami kasi ang nagtataka kung bakit gano’n ang pagtulong ni Ara kay Deborah considering na hindi naman sila nag-abot sa showbiz dahil magkaiba sila generation.
Aniya, “Si Tita Deborah hindi kami magkatrabaho, hindi kami magkaibigan, hindi kami magkamag-anak, it’s just na.. ganu’n ang nangyari at mahabang istorya. Isa siyang masarap tulungan na tao (kasi) very appreciative at hindi abusadong tao.
“Kaya thank you tita Deborah for the kind words. I’m very happy for her kasi may (talent) manager siya sana kunin ninyo siya sa trabaho. Bigyan n’yo siya ng chance, ang mga taong nagbabago.”
Biniro si Ara na dahil may magazine show na siya ay puwede na siyang ihanay kina Ms Korina Sanchez, Senator Loren Legarda at Jessica Soho?
“Ay hindi porke’t naka-suit ako ngayon ay ganu’n, mga haligi nap o sila, kung ano lang po ako, what you see is what you get, hindi ako magmamagaling na host. I’ll just be me, the real Ara, the real Hazel (Reyes) that you know,” katwiran ng TV host/actress.
Samantala, sa launching ng Magandang ARAw ay emosyonal si Ara nang muling makapiling ang entertainment media na tumulong sa kanya sa loob ng 30 years niya sa showbiz at sa rami ng bagyong dinaanan sa buhay ay hindi siya iniwan ng mga ito.
Baka Bet Mo: Aiko may rebelasyon tungkol kina Ara Mina at Deborah Sun; mas tumindi pa ang pagmamahal kay Jay Khonghun
“Huwag na huwag ninyong kalimutan ang mga taong unang nakatulong sa inyo noong nagsisimula palang kayo sa career ninyo no matter what.”
“Natutuwa ako kasi nandito kayo, sabi ko hindi lang media launch kasi nami-miss ko ‘yung dati na naging part kayo ng career ko for 30 years, sa buhay ko. Kaya hindi puwedeng wala kayo dito.”
“Aminin natin nagbago ang landscape ng entertainment sobrang laking pagbabago. Kayo ang tumutulong sa mga artista, kayo ang lifeline ng mga shows, ng mga artista kaya nandidiyan pa rin sila kaya thank you, thank you guys nandidiyan pa rin kayo,” pahayag ng aktres habang pinupunasan ang mga mata.
Isa pang nagpa-iyak kay Ara ay dahil after 30 years ay natupad na ang pangarap niyang magkaroon ng sariling magazine show kaya’t todo ang pasalamat niya sa NET 25 management na sina Ginoong Caesar Vallejos, Presidente at Ginang Wilma V. Galvante, content consultant dahil tinupad nila ang childhood dream niya.
Si Oprah Winfrey ang naging inspirasyon ni Ara para ipursige nitong magkaroon ng sariling magazine shoe.
“Sabi ko sana someday magkaroon ako ng ganyang show,” kuwento ni Ara sa media launch ng solo program niya.
Dagdag pa, “to be honest may mga kasama ako pero minsan TC (talent coordinator), minsan location manager, writer, may episode na ako ang direk at minsan cameraman kasi sinasabi ko kung anong anggulo ang kukunan, talagang umiiyak na ako minsan hindi pala madaling gumawa ng show na sabi talk show lang ito, pero hindi ganu’n kadali. Sobrang madetalye pati editing nakikialam ako. Sorry ha naging emosyonal ako kasi finally na-launch na ito kasi sobrang effort ako sa show na ito, ang dami kong natutunan.
“Wala na po akong time sa asawa ko, kasi madaling araw kung umuwi ako tapos pagdating ko (bahay) busy pa ako sa cellphone ko kung ano ang ipi-preview kong episode tapos magbo-voice over ako sa telepono, tapos ipapasa pa ako, maghahanap pa ako ng location, magpapa-revise pa si Tonipet (Exectuvie Producer), tapos magpapa-revise pa si tita Wilma.
“Buti na lang supportive ang asawa at anak ko, si Mandy kaya sograng pasalamat ako talaga sa kanila,”pagtatapat pa nito.
Anyway, hindi pa man nagsisimula ang Magandang ARAw ay umabot na sa 20 brands ang sponsors ni Ara kaya’t tuwang-tuwa ito dahil maraming nagmamahal sa kanya at labis ding natuwa ang lahat ng dumalong media friends ng aktres dahil sa rami ng give-aways na naiuwi nila.
Related Chika:
Ara Mina may malalim na hugot, may problema nga ba sa pagsasama nila ni Dave Almarinez bilang mag-asawa?