Pauleen Luna puring-puri ni Lolit Solis: Kitang kita mo ang happiness niya sa mukha at kilos niya

Pauleen Luna puring-puri ni Lolit Solis: Kitang kita mo ang happiness niya sa mukha at kilos niya
HUMANGA ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis dahil mas gumaganda raw ang aktres na si Pauleen Luna.

Sa kanyang Instagram page ay ibinandera niya ang family picture nina Vic Sotto, Pauleen, at Tali na kuha sa TV5 Network.

“Napansin ko na lalo nagiging beauty si Pauleen Luna Salve. Habang nagma mature lalo pang nagiging sharp ang mga features niya na nagpapa ganda sa kanya,” pagbabahagi ni Lolit.

Aniya, nakakatuwa raw ang opinyon ng mga tao na marahil masaya ang buhay nito sa piling ng asawa at anak.

“Ganuon daw kasi ang tao, pag masaya sa loob nakikita iyon sa panlabas na anyo. Siguro nga happy at contented si Pauleen kaya kitang kita mo ang happiness niya sa mukha at kilos niya,” sey pa ni Lolit.

Baka Bet Mo: Bossing Vic nilantakan ang tirang lafang ni Pauleen Luna, netizens tawang-tawa: ‘Huli pero ‘di kulong!’

Paniguradong masaya raw ang ina ni Pauleen na makita ang anak na masaya sa buhay may pamilya nito.

“Nakakatuwa talaga na na humantong sa ganito ang married life ni Pauleen. Dahil hindi mo aakalain madadala niya ng mahusay to think na napakabata niya ng mag asawa,” sey pa ni Lolit.

Dagdag pa niya, “Give credits also to Vic Sotto na siguro naging maganda din guide kay Pauleen as partner. To mr and mrs Vic and Pauleen Sotto, congrats for a beautiful married life, bongga.”

May mga kumakalat na balitang buntis raw si Pauleen sa kanilang ikalawang baby ni Bossing Vic pero hanggang sa ngayon ay wala pa ring inilalabas na pahayag o kumpirmasyon kung totoo ba ito o hindi pero talagang halata ang glow ng misis ni Bossing ngayon.

Related Chika:
Pauleen Luna kay Vic Sotto: You are God’s gift to me and to so many people

Pauleen nagpasalamat kay Lord dahil ibinigay sa kanya si Bossing: 6 years ago, I married the man I love

Read more...