Leonardo DiCaprio, Robert De Niro magsasama sa true story film na ‘Killers of The Flower Moon’

Leonardo DiCaprio, Robert De Niro magsasama sa true story film na ‘Killers of The Flower Moon’

PHOTO: Courtesy from Paramount Pictures International

ISANG panibagong western crime saga ang pagbibidahan ng dalawang bigating Hollywood stars na sina Leonardo DiCaprio at Robert De Niro.

Ito ang “Killers Of The Flower Moon” na nangyari sa totoong buhay at base sa best-selling book ni David Grann na may parehong titulo.

Kalalabas lang ng trailer nito noong July 6 at mapapanood na ang mga kaganapan sa pelikula ay nangyari noon pang 20th century.

Iikot ang istorya nito sa isang tribo ng ng mga katutubong Amerikano na tinatawag na “Osage Nation” na naging mayaman sa loob lamang ng isang gabi dahil sa langis.

Baka Bet Mo: Leonardo DiCaprio may dine-date na 19-year-old model, true ba?

Bagamat naging maganda ang kapalaran ng mga katutubong ito ay sinundan naman sila ng kamalasan dahil ang nakuha nilang yaman ay umakit ng mga masasamang loob na pilit ninanakaw ang kanilang pera, at ang malala pa ay nagagawa nilang pumatay.

Ang makakatambal ni Leonardo sa pelikula ay ang American actress na si Lily Gladstone.

Tampok din diyan sina Brendan Fraser, Jesse Plemons, Louis Cancelmi, Sturgill Simpson, Katherine Willis, at marami pang iba.

Ang “Killers of the Flower Moon” ay nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan simula October 18.

Bukod diyan ay mapapanood din ‘yan sa Apple TV+.

Related Chika:

Read more...