Kim abangers na sa mas marami pang ‘exciting part’ ng pag-ere ng Showtime sa GTV: ‘It’s spicy…embrace the change and be happy’

Kim abangers na sa mas marami pang 'exciting part' ng pag-ere ng Showtime sa GTV: 'Embrace the change and be happy'

Kim Chiu at Xian Lim

LOOKING forward ang Kapamilya actress at TV host na si Kim Chiu sa mas marami pang GMA stars na posibleng mag-guest sa “It’s Showtime” ng ABS-CBN.

Naging makasaysayan ang pilot airing ng noontime program nina Kim last July 1 sa GTV Channel na pag-aari ng GMA 7 dahil sa isang pambihirang pagkakataon ay nagsanib-pwersa ang mga Kapamilya at Kapuso artists.

Sa katunayan, nag-trending at nag-viral pa ang production number ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sa “Showtime” kung saan nakasama rin niya sina Sanya Lopez, Pokwang, Christian Bautista, Mark Bautista at marami pang iba.


Hiling ni Kim, sana raw ay mas marami pang gawing projects together ang ABS-CBN at GMA in the future kung saan ang talagang magiging winner ay ang mga manonood all over the universe.

Ikinumpara pa nga ni Kim ang pag-ere ng “Showtime” sa isang food chain na kanyang ineendorso, “It’s spicy, it’s interesting, it’s something na papanoorin mo talaga and aabangan mo talaga.

“Mas wider ‘yung naging reach namin and we’re just very happy and very thankful na sa maraming platforms kami mapapanood. Mas maraming madlang people ‘yung mapapasaya namin,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Beauty ilang araw hindi nakatulog bago nagdesisyong maging Kapuso; nag-‘I love you’ sa bashers

Kasunod nito, nabanggit nga niya ang kanyang wish na sana’y mas marami pang Kapuso talents ang umapir sa “It’s Showtime” para sa mas bonggang mga collaboration.

“Siyempre nakaka-excite ‘yon for madlang people viewers. Lahat naman ng ginagawa namin para sa madlang people, at least we give them a different taste,” sabi pa ng girlfriend ng Kapuso actor na si Xian Lim.


Reaksyon naman niya sa historical collab ng ABS-CBN at GMA, “Hindi talaga natin alam what will happen tomorrow so we just have to enjoy kung ano ang nangyayari ngayon. Let’s live the experience.

“Embrace the change and be happy,” mariin pang sabi ni Kim Chiu na nagpahiwatig ding posible na silang magkasama ni Xian sa isang project together sa GMA 7.

Melai, Jolina, Regine maraming natutunan bilang mga momshie sa 7 years ng ‘Magandang Buhay’: ‘Embrace change, it’s also a blessing’

Kris pinainit ang socmed sa topless photo; dedma sa tuksong ‘pandak, anorexic, butiki, kawayan’

Read more...